MANILA, Philippines – Asahan na naman ng mga motorista ang malakihang dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito na ang ikalimang sunod na linggo ng taas-presyo sa naturang produkto.
Sa pagtaya batay sa apat na araw na trading, posibleng madagdagan ng P1.50 hanggang P1.70 ang kada litro ng diesel, P0.75 hanggang P0.95 na dagdag naman sa kada litro ng gasolina.
Habang ang kerosene ay inaasahang magkakaroon din ng P1.05 hanggang P1.15 kada litro na taas-presyo sa naturang produkto.
Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad tuwing Martes. RNT/JGC