Home METRO Bisita sa Panagbenga 2024 nakaambang lumampas sa pre-pandemic levels

Bisita sa Panagbenga 2024 nakaambang lumampas sa pre-pandemic levels

BAGUIO CITY- Nagkalat ang makukulay na floral at traditional costumes sa mga kalsada sa Baguio City nitong Sabado para sa annual grand street parade bilang pagdiriwang ng flower festival na mas kilala bilang Panagbenga Festival.

Bagama’t ito ang ikalawang taon na isinagawa ang festival mula nang magkaroon ng pandemya, sinabi ng organizers na inaasahan nilang manunumbalik ang bilang ng mga bisita, kung hindi ito lalampas, sa pre-pandemic levels.

Ani Anthony De Leon, Chairperson ng Panagbenga organizing committee, inaasahan na nila ang mas maraming turista at kalahok sa grand float parade sa Linggo.

 “It’s a historic record in the number of participants for the float, kasi usually we average 14-15 large floats. For tomorrow we have 33 floats. That’s the highest number of participants we’ve ever [had] and for 29 years of the flower festival,” pahayag niya.

Ani De Leon, posibleng mas mataas ng 300% ang bilang ng mga bisita sa Linggo sa kumpara sa mga kaganapan nitong Sabado.

Inihayag naman ni Mayor Benjamin Magalong na paganda nang paganda ang pagdiriwang ng lungsod sa dahil sa suporta ng mga paaralan, volunteers at mga grupo.

Sa lungsod, nakatalaga ang uniformed personnel at medical teams sa strategic areas upang tiyakin ang kaligtasan ng mga kalahok at bisita.

Samantala, inabisuhan ni Magalong ang mga motorista ukol sa roadworks at schedules kapag daraan sa Kennon Road.

“Meron tayong issue ngayon sa Kennon [Road], kasi nga ginagawa yung rock shed dun ngayon. It’s actually a tunnel katulad ng ginawa sa Marcos Highway para fully protected ang kalsada na meron erosion. This will be three months na gagawin,” anang alkalde.

Gayundin, nagpaalala ang opisyal na ingatan ng mga bisita ang kanilang kagamitan.

“Nagaakyatan nanaman kasi ang mga pickpocketers coming from the lowlands. But rest assured na significantly reduced na yung incidents ng pickpockets sa Baguio,” ani Magalong. RNT/SA

Previous articleIlang bahagi ng EDSA isasara sa mga motorista para sa People Power anniv activities
Next articleOil price rollback inaasahan sa pagtatapos ng Pebrero