Home NATIONWIDE BSP sa financial institutions: Sistema vs vote buying, selling palakasin

BSP sa financial institutions: Sistema vs vote buying, selling palakasin

MANILA, Philippines – Inatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga financial institution na palakasin ang kanilang surveillance at monitoring measures upang maiwasan ang mga insidente ng vote buying at selling sa paparating na halalan.

Sa ilalim ng Memorandum 2025-006, nanawagan ang BSP sa BSP-supervised financial institutions (BSFIs) na palakasin ang mga pamamaraan upang masiguro ang angkop na customer onboarding processes, epektibong fraud management systems (FMS), at nagpapatuloy na account at transaction monitoring capabilities sa pagtugon sa fraudulent activities.

Sinabi ng ahensya na dapat ikonsidera ng BSFIs ang mga scenario katulad ng ‘concentration’ at ‘significant number’ ng account registrations sa mga lugar kung saan natukoy na talamak ang vote-buying at vote-selling, at ang malalaking cash transaction o encashment ng mga tseke sa panahon ng election period.

Inatasan din ang mga BSFI na tingnan ang mga kahina-hinalang galaw ng transaksyon sa mga account, digital banking at digital wallets kabilang ang bilis at dalas ng transaksyon, at hindi normal na dami at halaga sa cash in at cash out channels.

Ang memorandum ay kasunod ng pag-iisyu ng Commission on Elections (Comelec) ng Resolution 11104 na may petsang Enero 28, 2025 na nagbibigay ng mas mahigpit na mekanismo laban sa vote buying at selling. RNT/JGC