MANILA, Philippines – Ang trough ng isang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ay makakaapekto sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region. Apektado rin ang Batanes, Cagayan, at Ilocos Norte dahil sa trough ng isang tropical cyclone.
Samantala, magpapatuloy ang Habagat na magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, nalalabing bahagi ng Visayas, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, at nalalabing bahagi ng Mindanao.
Asahan din ang localized thunderstorms sa iba pang bahagi ng Luzon. Magiging banayad hanggang katamtaman ang hangin at alon sa buong bansa, maliban sa kanlurang bahagi ng Luzon kung saan ito’y magiging katamtaman. RNT