Pormal na inendorso ni Pangasinan Gov. Ramon Juico III at Team Aguila ang kandidatura ni Camille Villar para sa Senado sa darating na halalan.
Sa isang proclamation rally sa Bolinao, ipinahayag din nina Bise Gob. Mark Lambino, Rep. Arthur Celeste, at Rep. Bobby Estrella ang kanilang buong suporta.
Nangako si Villar na susuportahan ang mga proyektong pang-imprastraktura at pagpapaunlad ng agrikultura sa Pangasinan.
Nagpasalamat siya sa mga lokal na opisyal at mamamayan at tiniyak na ipagpapatuloy ang pagtulong sa lalawigan, tulad ng ginagawa ng kanyang ina, Sen. Cynthia Villar, at kapatid, Sen. Mark Villar, sa imprastraktura at pagsasaka. RNT