Home ENTERTAINMENT Cat at Sam, hiwalay na?

Cat at Sam, hiwalay na?

Manila, Philippines- Hindi sa pinaninindigan ni Ogie Diaz ang bansag sa kanya bilang Patron ng mga Showbiz Hiwalayan, pero ang latest tsika niya–although unconfirmed–ay hiwalay na rin daw ang engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby.

Inihalintulad ni Ogie ang pakikitungo nina Cat at Sam sa isa’t isa to that of Jericho Rosales and Kim Jones.

Sa kabila kasi ng paghihiwalay nina Echo at Kim ay napapanatili ng mga ito ang kanilang friendship.

‘Yun din daw ang peg nina Sam at Catriona, ayon kay Ogie.

Sa katunayan daw, noong nakaraang kaarawan ni Catriona on January 6 ay hiwalay na sila.

Dagdag pa rito, nasipat daw ni Ogie nang makita niya sa isang event si Catriona.

Obyus daw na itinatago nito ang kanyang mga kamay para hindi makita kung suot ba ng dating beauty queen ang kanyang engagement ring.

Sinusugan naman ito ng kasama ni Ogie sa kanilang online program na si Mama Loi.

Anito, nasagap din daw niya ang tsikang hiwalay na ang couple ilang buwan na ang nakakaraan.

Mismong close sa pamilya ni Cat ang itinuturong source ni Mama Loi.

Hindi tiyak kung sino kina Catriona at Sam ang unang na-fall out of love.

Pero may insinuation na posibleng napagtanto raw ni Sam na hindi pa siya handang magpakasal.

Makailang beses inulit ni Ogie na hindi pa kumpirmado ang nasagap niyang tsika.

Aniya, maniniwala lang daw siyang hiwalay na nga ang dalawa kung kina Cat at Sam na mismo manggagaling ang kumpirmasyon.

Ganoon na lang ang panghihinayang ni Ogie if reports are true dahil para sa kanya, perfect match sina Sam at Cat sa isa’t isa. Ronnie Carrasco IIi

Previous articleMga Pinoy na nakakapangisda sa Scarborough Shoal mas dumami na
Next articleJose Moises Salonga itinalagang LWUA administrator