NATIONWIDE - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Sun, 18 Oct 2026 06:06:33 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.3 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png NATIONWIDE - Remate Online https://remate.ph 32 32 P14B kinaltas sa P25B; P11B natira sa school-based feeding program – Pangilinan https://remate.ph/p14b-kinaltas-sa-p25b-p11b-natira-sa-school-based-feeding-program-pangilinan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p14b-kinaltas-sa-p25b-p11b-natira-sa-school-based-feeding-program-pangilinan https://remate.ph/p14b-kinaltas-sa-p25b-p11b-natira-sa-school-based-feeding-program-pangilinan/#respond Sun, 18 Oct 2026 08:48:32 +0000 https://remate.ph/?p=760114 MANILA, Philippines – Natuklasan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na umabot lamang sa P11 bilyon ang natirang pondo sa dating P25 bilyon sa 2026 ang natira sa school-based feeding program ng Department of Education (DepEd). Ang dahilan, ayon kay Pangilinan, umabot lamang kasi sa P3.5 bilyon mula sa P25 bilyon ang nagamit ng DepEd sa […]

The post P14B kinaltas sa P25B; P11B natira sa school-based feeding program – Pangilinan first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Natuklasan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na umabot lamang sa P11 bilyon ang natirang pondo sa dating P25 bilyon sa 2026 ang natira sa school-based feeding program ng Department of Education (DepEd).

Ang dahilan, ayon kay Pangilinan, umabot lamang kasi sa P3.5 bilyon mula sa P25 bilyon ang nagamit ng DepEd sa naturang programa kaya’t hiniling ni Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na bawasan ang naturang pondo.

“Sa pagdinig nitong Biyernes, iminungkahi ng DepEd na bawasan ang budget ng school-based feeding program para sa 2027 sa P11 bilyon mula sa P25 bilyon na inilaan noong nakaraang budget cycle,” ayon kay Pangilinan.

Sinabi ni Pangilinan na ikinatuwiran ni Angara na dadalhin ng DepEd ang hindi nagastos na pondo sa 2026 sa susunod na taon dahil P3.5 bilyon lamang sa dating P25 bilyong alokasyon ang nagastos ng ahensya.

Nagpahayag ng pangamba si Pangilinan na maaaring maapektuhan ng pagbabawas ng budget ang implementasyon ng school-based feeding program.

Dahil dito, hinimok ni Pangilinan ang DepEd na lubusang ipatupad ang Sagip Saka Act sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa pagbili ng produktong pagkain direkta mula sa accredited farmers’ at fisherfolk enterprises na magagamit sa feeding program.

Hiniling niya sa ahensya na ihanda para sa plenary ang magiging epekto ng pagbabawas mula P25 bilyon patungong P11 bilyon.

Hinimok din niya ang DepEd na dagdagan ang procurement nito mula sa accredited farmers’ at fisherfolk enterprises sa ilalim ng Sagip Saka Act.

Aniya, 0.3% lamang ng kabuuang procurement ng departamento ngayong taon ang binili sa pamamagitan ng programa.

Binigyang-diin ni Pangilinan na may dalawang layunin ang school-based feeding program: tugunan ang gutom at malnutrisyon ng mga mag-aaral upang mas matuto sila, at mabigyan ng matatag na merkado ang lokal na produktong pang-agrikultura at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino at mangingisda.

Nitong Biyernes, sinimulan din ni Pangilinan ang pagsusuri sa implementasyon ng Sagip Saka Act ng mga ahensya ng gobyerno sa pagdinig ng panukalang budget ng ahensiya.

Binigyang-diin ng senador na kailangang lubos na maipatupad ang batas upang mabigyan ng matatag na merkado ang mga magsasaka at mangingisda.

Si Pangilinan na chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform ang pangunahing may-akda ng Republic Act No. 11321 o Sagip Saka Act.

Pinapayagan ng batas ang national government agencies at local government units na direktang bumili ng pagkain mula sa accredited farmers’ at fisherfolk cooperatives nang hindi na dumadaan sa public bidding.

Sa pagdinig ng DepEd para sa 2027 fiscal year, tinalakay ng senador ang isyu bilang pagpapatuloy ng kanyang pagsisikap na matiyak na tinutupad ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang obligasyon sa ilalim ng batas.

Sinabi ni Pangilinan sa mga opisyal ng DepEd na pinangunahan ni Angara na nasa initial stage pa lamang ang ahensya sa pagpapatupad ng programa para sa kanilang feeding program na nagsimula nitong Agosto.

Hiniling niya sa DepEd na magsumite sa plenary kung paano nila balak na lubusang ipatupad ang Sagip Saka, at kung ano ang mga hamon sa supply side dahil walang problema sa demand side.

Ayon kay Pangilinan, habang tinutugunan ng Sagip Saka ang demand side ng sektor ng agrikultura, isinusulong din niya ang dalawang panukala sa Kongreso: ang pagpapalakas ng agricultural cooperatives at ang renationalization ng agricultural extension services.

Ang panukalang Agricultural and Fisheries Extension Services Act ay naglalayong magtatag ng mas malakas at maayos na national extension system na magbibigay sa mga magsasaka at mangingisda ng technical assistance, research-based technologies, climate-smart farming practices at capacity-building.

Ang Agricultural Cooperatives Act naman ay muling magtatatag ng Bureau of Agriculture Cooperatives. Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng mga magsasaka at mangingisda na mag-organisa at makipagkumpetensya, at mapabuti ang kanilang access sa financing, merkado, kagamitan at value-adding opportunities. Ernie Reyes

The post P14B kinaltas sa P25B; P11B natira sa school-based feeding program – Pangilinan first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/p14b-kinaltas-sa-p25b-p11b-natira-sa-school-based-feeding-program-pangilinan/feed/ 0
K to 12, gustong bawasan ni Cayetano ng 2 taon sa kawalan ng pondo https://remate.ph/k-to-12-gustong-bawasan-ni-cayetano-ng-2-taon-sa-kawalan-ng-pondo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=k-to-12-gustong-bawasan-ni-cayetano-ng-2-taon-sa-kawalan-ng-pondo https://remate.ph/k-to-12-gustong-bawasan-ni-cayetano-ng-2-taon-sa-kawalan-ng-pondo/#respond Sun, 18 Oct 2026 08:36:03 +0000 https://remate.ph/?p=760108 MANILA, Philippines – Gustong bawasan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ng dalawang taon ang K to 12 program sanhi ng kakapusan ng pondo at ilaan ang matitipid sa mas mahalagang bagay na magpapahusay sa kalidad ng edukasyon. Sa pinaigting na panawagan, itinanong Cayetano sa ginanap na budget briefing ng Senate committee on finance, […]

The post K to 12, gustong bawasan ni Cayetano ng 2 taon sa kawalan ng pondo first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Gustong bawasan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ng dalawang taon ang K to 12 program sanhi ng kakapusan ng pondo at ilaan ang matitipid sa mas mahalagang bagay na magpapahusay sa kalidad ng edukasyon.

Sa pinaigting na panawagan, itinanong Cayetano sa ginanap na budget briefing ng Senate committee on finance, kay Education Secretary Sonny Angara kung may pondo ang pamahalaan na tustusan ang lumalawak na mag-aral sa K-to-12 program.

“Do we have the money for K to 12? And if not, what do we do?”

Kaya hiniling ni Cayetano na pormal na talakayin sa sektor ng edukasyon ang tanong na ito, kasabay ng deliberasyon sa Senado hinggil sa panukalang 2027 budget ng Department of Education (DepEd).

“We’re looking for a breakthrough,” diin ni Cayetano sa pagdinig nitong October 16.

“So may I ask for your permission that we start the debate today [on] whether or not we keep K to 12 in the next five years, or we take out one or two years?” aniya sa DepEd.

Ayon kay Cayetano, nagkakaisa naman ang lahat na mahalaga ang dagdag na classrooms, mas maayos na internet access, at feeding programs.

Para makamit ang inaasam na kalidad ng sistema ng edukasyon, sinabi ni Cayetano na ang tunay na tanong na dapat pagdebatehan at sagutin ay kung may sapat bang pera ang gobyerno upang pondohan nang buo ang implementasyon ng K to 12.

Umapela si Cayetano kay Angara na pormal nang simulan ang talakayan sa pamamagitan ng “inventory” ng mga pasilidad at iba pang resources ng bawat paaralan.

Mula sa datos na ito, matutukoy kung kaya bang punan ng gobyerno ang mga kakulangan gamit ang pondong mayroon ito, ayon kay Cayetano.

“If we’re going to have a debate on how to improve the education system… (we) have to start with the inventory,” aniya.

“Have a checklist. A perfect school will have this: a clinic, a guidance counselor’s office, a covered court, a music room, et cetera. Then we do a score of our schools, [pwedeng] per region, per congressional district,” aniya.

Dahil sa malaking pondong kailangan para maipatupad nang buo ang K to 12, muling isinulong ni Cayetano ang panukalang bumalik sa K to 10.

“We have to make a radical decision. Do we fully fund K to 12? And if we do that, we might have to add maybe another P500 billion — and I don’t know where to get that,” pahayag ng senador.

“Or, do we take the hard decision of taking out muna one year, K to 11 or K to 10 tayo, and focusing where it’s needed to be focused?” dagdag niya.

Paliwanag ni Cayetano, sa pag-alis ng dagdag na dalawang taon, may pondong agad na maililipat para mapalaki ang pondo kada estudyante, mabawasan ang siksikan sa mga klase, mapahaba ang oras ng pasok, at mapahusay ang pagkatuto ng mga bata.

“If you take out the two years now, I’m not saying there won’t be a problem, but your per capita and many of your problems [will be solved],” aniya.

Tinukoy niyang modelo ang Philippine Science High School, kung saan mahigit P224,000 aniya ang ginagastos ng gobyerno sa bawat estudyante, hanggang 30 lang ang estudyante sa bawat classroom, at maghapon ang oras ng klase.

Malayo aniya ito sa mga pampublikong elementarya at high school sa ilalim ng DepEd, kung saan may mga classroom na 70 hanggang 100 estudyante ang nagsisiksikan at P34,960 lamang ang ginagastos kada mag-aaral.

Marami ring paaralan ang lima hanggang anim na oras lang ang pasok dahil napipilitan mag-shifting.

Binigyang diin ni Cayetano na malaki ang epekto ng kalidad ng edukasyon sa kinabukasan ng bansa.

“When you look at the education system now, you can tell what kind of Philippines you will have 10 to 15 years from now,” aniya.

“If we can somehow get the spending closer to what we’re doing with Philippine Science High School, rather than what we’re doing with our public schools now, then we’ll have a better Philippines,” dagdag niya. Ernie Reyes

The post K to 12, gustong bawasan ni Cayetano ng 2 taon sa kawalan ng pondo first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/k-to-12-gustong-bawasan-ni-cayetano-ng-2-taon-sa-kawalan-ng-pondo/feed/ 0
DOH nagbabala sa toxic metal na matatagpuan sa vape https://remate.ph/doh-nagbabala-sa-toxic-metal-na-matatagpuan-sa-vape/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-nagbabala-sa-toxic-metal-na-matatagpuan-sa-vape https://remate.ph/doh-nagbabala-sa-toxic-metal-na-matatagpuan-sa-vape/#respond Sun, 18 Oct 2026 08:24:17 +0000 https://remate.ph/?p=760106 MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, Oktubre 18, hinggil sa masamang epekto sa kalusugan ng cadmium, isang toxic metal na matatagpuan sa vape aerosols. Ayon sa DOH , maaaring makasira ng bato at buto ang cadmium, habang ang matagalang exposure ay maaaring magpataas ng panganib ng cancer. Bukod sa cadmium, […]

The post DOH nagbabala sa toxic metal na matatagpuan sa vape first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, Oktubre 18, hinggil sa masamang epekto sa kalusugan ng cadmium, isang toxic metal na matatagpuan sa vape aerosols.

Ayon sa DOH , maaaring makasira ng bato at buto ang cadmium, habang ang matagalang exposure ay maaaring magpataas ng panganib ng cancer.

Bukod sa cadmium, maaaring naglalaman din ang vape aerosols ng iba pang mapaminsalang kemikal, kabilang ang benzene, diacetyl, at acrolein.

Hinikayat ng DOH ang publiko, lalo na ang mga kabataan, na iwasan ang pag-vape dahil sa mga nakapipinsalang sangkap nito.

Sinuportahan din nito ang panawagang magpatupad ng mas mataas na buwis sa vape upang gawing hindi gaanong abot-kaya at accessible ang mga produktong posibleng makasama.

Noong unang bahagi ng buwang ito, sinabi ng Philippine Tobacco Harm Reduction Advocates (PHILTRA) na hinimok ng mga health advocate ang gobyerno na ikonsidera ang mas mataas na excise tax sa vape products.

Sa kasalukuyan, magkaiba ang buwis sa e-liquids depende kung salt nicotine o freebase nicotine ang nilalaman nito.

Samantala, iminumungkahi ng Department of Finance ang isang unified excise tax na P72.93 kada 2 milliliters o 2 gramo sa e-cigarettes at heated tobacco products, bukod pa sa P150 excise tax kada device. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post DOH nagbabala sa toxic metal na matatagpuan sa vape first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/doh-nagbabala-sa-toxic-metal-na-matatagpuan-sa-vape/feed/ 0
Visayas grid isinailalim sa yellow alert https://remate.ph/visayas-grid-isinailalim-sa-yellow-alert-7/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=visayas-grid-isinailalim-sa-yellow-alert-7 https://remate.ph/visayas-grid-isinailalim-sa-yellow-alert-7/#respond Sun, 18 Oct 2026 08:12:20 +0000 https://remate.ph/?p=760104 MANILA, Philippines – Isasailalim sa yellow alert ang Visayas grid ngayong Linggo, Oktubre 18 dahil sa manipis na suplay ng kuryente, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Sa abiso, sinabi ng NGCP na ang yellow alert status ay isasailalim mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi. Ang grid ay may available […]

The post Visayas grid isinailalim sa yellow alert first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Isasailalim sa yellow alert ang Visayas grid ngayong Linggo, Oktubre 18 dahil sa manipis na suplay ng kuryente, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa abiso, sinabi ng NGCP na ang yellow alert status ay isasailalim mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Ang grid ay may available capacity na 2,512 megawatts (MW) habang ang peak demand ay nasa 2,354 MW.

Idineklara ang yellow alert dahil sa unavailability ng malalaking coal plants sa Visayas na Panay Energy Development Corporation Unit 3 at KEPCO SPC Power Corporation Unit 1.

Nag-ambag sa kakulangan ng kuryente ang planong maintenance schedule ng Mindanao-Visayas interconnection Line 2.

Samantala, limang planta ang naka-forced outage ngayong Oktubre, limang planta mula Setyembre, tatlong planta mula Agosto, isang planta mula Hunyo, apat na planta mula Mayo, tatlong planta noong 2025, dalawang planta mula 2024, dalawang planta mula 2023 at isang planta mula 2021.

Mayroon ding 17 planta ang tumatakbo sa derated capacities, sa kabuuang 655.5MW unavailable sa grid.

Ang yellow alert ay iniisyu kapag ang operating margin ay kulang para tugunan ang contingency requirement ng transmission grid. RNT/JGC

The post Visayas grid isinailalim sa yellow alert first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/visayas-grid-isinailalim-sa-yellow-alert-7/feed/ 0
VP Sara sinopla ni JV sa paratang na ginagamit 2027 budget sa impeachment trial: ‘Fake news’ https://remate.ph/vp-sara-sinopla-ni-jv-sa-paratang-na-ginagamit-2027-budget-sa-impeachment-trial-fake-news/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vp-sara-sinopla-ni-jv-sa-paratang-na-ginagamit-2027-budget-sa-impeachment-trial-fake-news https://remate.ph/vp-sara-sinopla-ni-jv-sa-paratang-na-ginagamit-2027-budget-sa-impeachment-trial-fake-news/#respond Sun, 18 Oct 2026 08:00:30 +0000 https://remate.ph/?p=760101 MANILA, Philippines – Mariing sinopla ni Senador JV Ejercito si Vice President Sara Duterte laban sa paratang nitong ginagamit ng administrasyon ang 2027 national budget upang magkaroon ng guilty verdict sa impeachment trial nito. Sa panayam, sinabi ni Ejercito, chairman ng Senate committee on finance, na kailanman gagamitin ang 2027 national budget para sa impeachment […]

The post VP Sara sinopla ni JV sa paratang na ginagamit 2027 budget sa impeachment trial: ‘Fake news’ first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Mariing sinopla ni Senador JV Ejercito si Vice President Sara Duterte laban sa paratang nitong ginagamit ng administrasyon ang 2027 national budget upang magkaroon ng guilty verdict sa impeachment trial nito.

Sa panayam, sinabi ni Ejercito, chairman ng Senate committee on finance, na kailanman gagamitin ang 2027 national budget para sa impeachment trial ni Duterte na nahaharap sa kasong hidden wealth na nagkakahalang mahigit isang bilyong piso.

“Walang katotohanan yan, walang nangyayaring ganyan. Yun lang ang masasabi ko. Kung may dapat makaalam niyan, ako yun,” sinabi ni Ejercito na tumatayong chairman ng Senate finance committee, sa isang panayam.

“Hindi namin papayagan yan,” dagdag pa niya.

Nauna nang iniugnay ni Vice President Duterte ang impeachment proceedings sa umano’y pamimigay ng pera at political maneuvering kaugnay ng panukalang 2027 national budget.

Kinuwestyon niya kung ginagamit ang pondo ng bayan para impluwensyahan ang mga senador na uupo bilang senator-judges at gantimpalaan ang mga bumoto ng “yes” sa Kamara.

“Ginagamit ba ang budget para pagsilbihan ang mamamayang Pilipino, o naging bargaining chip na ito para i-pressure ang mga senador na uupong hurado at gantimpalaan ang mga boboto ng ‘yes’ sa House of Representatives?” tanong ni Duterte.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Duterte hinggil sa mga transaksyon o indibidwal na umano’y sangkot sa sinasabing pamumulitika.

Sinabi ni Ejercito na umaasa siyang hindi pagdudahan ang mga senador na magsisilbi ring senator-judges sa impeachment trial.

Sinabi ng senador na ginagawa nila ang lahat upang maging patas sa paghawak ng kaso. Aniya, maraming problema at hamon na kailangang harapin at pagtuunan ng pansin ang bansa, ngunit tungkulin nila sa ilalim ng Konstitusyon ang paghawak sa impeachment.

“Makakaasa kayo na hindi gagamitin ang national budget para sa impeachment. Kung may dapat makaalam niyan, ako yun dahil ako ang chairman ng committee on finance,” ani Ejercito. Ernie Reyes

The post VP Sara sinopla ni JV sa paratang na ginagamit 2027 budget sa impeachment trial: ‘Fake news’ first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/vp-sara-sinopla-ni-jv-sa-paratang-na-ginagamit-2027-budget-sa-impeachment-trial-fake-news/feed/ 0
Regional drug personality, arestado sa buy-bust ops sa Baguio https://remate.ph/regional-drug-personality-arestado-sa-buy-bust-ops-sa-baguio/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=regional-drug-personality-arestado-sa-buy-bust-ops-sa-baguio https://remate.ph/regional-drug-personality-arestado-sa-buy-bust-ops-sa-baguio/#respond Sun, 18 Oct 2026 07:47:49 +0000 https://remate.ph/?p=760099 BENGUET-Shoot sa kulungan ang isang 26-anyos na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA at mga miyembro ng PNP sa Baguio City nitong Sabado, Oktubre 17. Sa inilabas na Press Release ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR), ang suspek na itinago sa alyas na “Buboy” ay […]

The post Regional drug personality, arestado sa buy-bust ops sa Baguio first appeared on Remate Online.

]]>
BENGUET-Shoot sa kulungan ang isang 26-anyos na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA at mga miyembro ng PNP sa Baguio City nitong Sabado, Oktubre 17.

Sa inilabas na Press Release ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR), ang suspek na itinago sa alyas na “Buboy” ay residente ng naturang lungsod, isa umanong regional watchlisted drug personality.

Agad na inaresto ang suspek matapos nitong bentahan ng hinihinalang shabu ang isang undercover agent.

Batay sa isinagawang pagsusuri sa laboratoryo, naglalaman ng 2.7259 gramo ng methamphetamine hydrochloride (shabu) ang mga nakumpiskang sachet, na tinatayang nagkakahalaga ng P18, 536.

Nakumpiska rin sa operasyon ang iba’t ibang mga drug paraphernalia.

Pansamantalang nasa kustodya ng PDEA-CAR ang suspek.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng suspek.

Pinangunahan ng PDEA-CAR Abra Provincial Office ang operasyon, katuwang ang Baguio City/Benguet Provincial Office, Regional Special Enforcement Team-Bravo, at Baguio City Police Office Station 2.

Pinuri ni PDEA-CAR Director Edgar T. Jubay ang mga operatiba sa kanilang patuloy na pagsisikap na sugpuin ang illegal na droga at protektahan ang komunidad.

Ayon kay Jubay, ipinakikita ng matagumpay na operasyon ang kanilang matibay na paninindigan na lansagin ang mga sindikato ng illegal na droga, kasabay ng pagkilala sa patuloy na suporta ng lokal na pulisya. Rolando S. Gamoso

The post Regional drug personality, arestado sa buy-bust ops sa Baguio first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/regional-drug-personality-arestado-sa-buy-bust-ops-sa-baguio/feed/ 0
Pope Leo nakabalik na sa Vatican matapos maoperahan https://remate.ph/pope-leo-nakabalik-na-sa-vatican-matapos-maoperahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pope-leo-nakabalik-na-sa-vatican-matapos-maoperahan https://remate.ph/pope-leo-nakabalik-na-sa-vatican-matapos-maoperahan/#respond Sun, 18 Oct 2026 07:36:19 +0000 https://remate.ph/?p=760090 VATICAN – Nakabalik na sa Vatican si Pope Leo nitong Sabado ng hapon matapos ang apat na araw na pananatili sa Gemelli Hospital sa Rome dahil sa operasyon sa lung cancer. Lumabas ang 71-anyos na Santo Papa na nakangiti, naglalakad nang walang alalay at kumaway sa mga tao. Huminto para kausapin ang 13-anyos na si […]

The post Pope Leo nakabalik na sa Vatican matapos maoperahan first appeared on Remate Online.

]]>
VATICAN – Nakabalik na sa Vatican si Pope Leo nitong Sabado ng hapon matapos ang apat na araw na pananatili sa Gemelli Hospital sa Rome dahil sa operasyon sa lung cancer.

Lumabas ang 71-anyos na Santo Papa na nakangiti, naglalakad nang walang alalay at kumaway sa mga tao.

Huminto para kausapin ang 13-anyos na si Varvara mula Ukraine na nasa Italy rin para sa cancer treatment.

Ayon sa mga doktor, maayos ang lagay ng Papa matapos alisin ang lower lobe ng kanang baga niya noong Martes.

Kaya nang gawin ang normal na daily activities at inaasahang pangungunahan niya ang lingguhang dasal sa Linggo ng tanghali sa St. Peter’s Square.

Na-diagnose si Pope Leo na may lung adenocarcinoma — ang pinakakaraniwang uri ng lung cancer. Hindi pa inilalabas ang sukat ng tumor o kung kumalat ito sa lymph nodes.

Ayon sa lead surgeon niyang si Dr. Stefano Margaritora, posibleng fully recovered na ang Papa sa loob ng 10 araw at walang hadlang para matuloy ang nakatakdang biyahe niya sa Uruguay, Argentina at Peru mula Nobyembre 6-17.

Natuklasan umano ang tumor nang hindi sinasadya sa isang routine abdominal exam.

Noong Biyernes, habang nasa ospital, nakausap pa ni Pope Leo sa telepono si Russian President Vladimir Putin para manawagan ng tigil-putukan upang makapasok ang tulong sa Oleshky, isang bayan sa Ukraine na kontrolado ng Russia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Pope Leo nakabalik na sa Vatican matapos maoperahan first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pope-leo-nakabalik-na-sa-vatican-matapos-maoperahan/feed/ 0
DOH nagbabala ng mas mabilis na pagkapanis ng mga pagkain ngayong El Niño https://remate.ph/doh-nagbabala-ng-mas-mabilis-na-pagkapanis-ng-mga-pagkain-ngayong-el-nino/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-nagbabala-ng-mas-mabilis-na-pagkapanis-ng-mga-pagkain-ngayong-el-nino https://remate.ph/doh-nagbabala-ng-mas-mabilis-na-pagkapanis-ng-mga-pagkain-ngayong-el-nino/#respond Sun, 18 Oct 2026 07:24:58 +0000 https://remate.ph/?p=760087 MANILA, Philippines – Posibleng mas mabilis na mapanis ang pagkain sa mas mainit na panahon dala ng El Nino, ayon sa Department of Health (DOH). “Ang matinding init at mga posibleng brownout ay nagpapabilis ng pagkasira ng pagkain. Siguraduhing malinis ang tubig sa paghuhugas ng pagkain, kamay, at mga kagamitan,” saad sa Facebook post ng […]

The post DOH nagbabala ng mas mabilis na pagkapanis ng mga pagkain ngayong El Niño first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Posibleng mas mabilis na mapanis ang pagkain sa mas mainit na panahon dala ng El Nino, ayon sa Department of Health (DOH).

“Ang matinding init at mga posibleng brownout ay nagpapabilis ng pagkasira ng pagkain. Siguraduhing malinis ang tubig sa paghuhugas ng pagkain, kamay, at mga kagamitan,” saad sa Facebook post ng DOH.

“Takpan at ubusin agad ang lutong pagkain, at huwag iwanang nakabilad sa init upang maiwasan ang pagdami ng bakterya,” dagdag ng ahensya.

Sa ngayon ay mahigit 100 lungsod at munisipalidad sa bansa ang nagdeklara na ng state of calamity dahil sa epekto ng El Nino. RNT/JGC

The post DOH nagbabala ng mas mabilis na pagkapanis ng mga pagkain ngayong El Niño first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/doh-nagbabala-ng-mas-mabilis-na-pagkapanis-ng-mga-pagkain-ngayong-el-nino/feed/ 0
TINGNAN: Sitwasyon sa Bulkang Mayon https://remate.ph/tingnan-sitwasyon-sa-bulkang-mayon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tingnan-sitwasyon-sa-bulkang-mayon https://remate.ph/tingnan-sitwasyon-sa-bulkang-mayon/#respond Sun, 18 Oct 2026 07:12:22 +0000 https://remate.ph/?p=760078 Makikitang makapal pa ang usok sa bunganga ng Bulkan Mayon kung saan ito ay nananatili sa Alert Level 2 (moderate unrest). Nitong Sabado, Oktubre 17, ay nagbuga ang bulkan ng abong umabot sa 400 metro ang taas mula sa summit crater. Larawan ni JOJO RABULAN

The post TINGNAN: Sitwasyon sa Bulkang Mayon first appeared on Remate Online.

]]>
Makikitang makapal pa ang usok sa bunganga ng Bulkan Mayon kung saan ito ay nananatili sa Alert Level 2 (moderate unrest).

Nitong Sabado, Oktubre 17, ay nagbuga ang bulkan ng abong umabot sa 400 metro ang taas mula sa summit crater.

Larawan ni JOJO RABULAN

The post TINGNAN: Sitwasyon sa Bulkang Mayon first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/tingnan-sitwasyon-sa-bulkang-mayon/feed/ 0