MANILA, Philippines – Nagdulot ng takot at pangamba sa mga residente lalo na sa mga Filipino-Chinese community ang sunod-sunod na sunog sa mga condominium unit sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ito ay makaraang sumiklab naman ang sunog sa ika-walong palapag ng Fuyong Mansion condominium na matatagpuan sa Soler St., malapit sa Alonzo St., Binondo, Manila.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula pasado alas 12 ng tanghali.
Humigit kumulang dalawang milyon piso halaga ng mga ari-arian ang nilamon ng apoy. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)