MANILA, Philippines – Nanawagan si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino sa pamahalang gobyerno ng China na kilalanin nito ang karapatan ng Pilipinas sa West Philppine Sea (WPS) at gayundin ang pagkilala sa Maritime Zone Law sa paggunita ng Chinese New Year itong Araw na ito.
Aminado si Tolentino na bagamat may galit ang China sa kanya lalo na sa pagsusulong ng naturang batas , subalit Aniya walang magagawa ang pamahalaang ito kundi irespeto ang kaparatan ng bansang Pilipinas ukol sa WPS.
Kung mangyayari ito sabi ni Tolentino ay tiyak na mahihinto na ang tensyon sa pagitan ng tropang Pinoy at tropang Chinese sa naturang lugar.
Naniniwala si Tolentino na tanging ang pamahalaang China lamang ang siyang reresolba sa problema at hindi ang sinuman, at tiyak na lalo pang magiging maganda ang relasyon ng Pilipinas at China kung mangyayari ito.
Ang pahayag ay ginawa ni Sen. Tolentino sa Lungsod ng Quezon kaalinsabay ng pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayan partikular na ang mga senior citizens sa Bgy Loyola Heights na halos apat na taong pinanirahan ng Senador nang nag-aaral pa sa Ateneo De Manila.
Umabot sa 600 na residente ng Bgy. Loyola Heights, Quezon City ang napag-kalaooban ng tulong pinasyal na tig-dalawang libong piso ni Tolentino.
Kasabay din nito ay nagkaloob din si Senador TOL Tolentino ng serbisyong legal sa mga mamamayang mayroong tanong ukol sa batas partikular na sa mga mayroong kaso o nais na idulog gayundin ang libreng notaryo. RNT