Home ENTERTAINMENT Christopher, aminadong nagtataka sa bangayan nina Ian at Lotlot!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Christopher, aminadong nagtataka sa bangayan nina Ian at Lotlot!September 29, 2026 08:5710 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – First time na nagsalita si Christopher de Leon hinggil sa sigalot na namamagitan kina Lotlot at Ian de Leon.Marami kasing mga tao ang nagtatanong kung ano ang ginagawa ng Drama King para mamagitan sa dalawa.Sey ni Christopher, kinakausap naman niya ang dalawa.Gayunpaman, ayaw daw niyang makialam sa isyu ng dalawa lalo pa’t may pera o ari-arian na involved sa usapin ng foundation.Kahit nga raw noong wake ng Superstar ay nasa isang sulok lang siya at tahimik na sumusuporta.Hirit pa niya, nagtataka nga raw siya kung bakit nauwi sa bangayan ang relasyon ng magkapatid considering na lumaki silang close at magkasangga.Dagdag pa niya, wala rin daw siyang kinakampihan sa sinuman sa dalawa kahit pa sarili niyang dugo’t laman si Ian.Pahayag pa niya, ganoon din daw ang pagmamahal niya kina Matet, Kiko at Kenneth.Sa panayam sa vlog ni Ogie Diaz, sinabi niya na buo ang kanyang paniniwala na magkakaayos din ang dalawa.Naniniwala rin siyang nasa tamang edad na ang magkapatid para gumawa ng desisyon sa kanilang mga buhay.Nandoon daw naman siya para gabayan ang mga ito kung hihingi ng payo.Sa kanyang edad na 69, wala pa raw siyang planong magretiro dahil nae-enjoy niya ang pag-arte. Archie Liao