Home NATIONWIDE Comelec: Halos 90K nagparehistro para sa 2025 elections

Comelec: Halos 90K nagparehistro para sa 2025 elections

MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na may kabuuang 88,809 katao ang nagparehistro sa unang araw ng nationwide registration bago ang 2025 national at local elections.

Ang may pinakamaraming nagparehistro na may 14,754 na bilang ay ang Region IV-A na sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 10,623 at Region III na may 10,143 registration.

Ika-apat naman ang Region VII na may 7,890 registration, habang ang Region I ay 6,705 registration o ika-lima sa maraming nakapagpatala.

Samantala, sa Comelec main office ay mayroon lamang mahigit 412 na nagparehistro.

Narito naman ang bilang ng mga nagpatala sa ibang rehiyon nitong Lunes:

  • Region VI: 4,474 registrations

  • Region XI: 4,713 registrations

  • Region X: 4,197 registrations

  • Region XII: 3,846 registrations

  • Region VIII: 3,444 registrations

  • Region II: 3,430 registrations

  • Region V: 3,349 registrations

  • CARAGA: 3,206 registrations

  • Region IX: 3,162 registrations

  • BARMM: 1,781 registrations

  • Region IV-B: 1,508 registrations

  • CAR: 1,172 registrations

Idineklara ng Comelec noong Pebrero 1, ang Pebrero 12 bilang “National Voter’s Day” at sinabing walang bayad ang pagpapalabas ng voter’s certification.

Naglunsad din ang poll body ng espesyal na Register Anywhere program sa Plaza Roma, Intramuros, Manila, Baclaran Church, at iba pang mga lokasyon.

Tatakbo ang panahon ng pagpaparehistro ng mga botante para sa 2025 elections mula Pebrero 12 hanggang Setyembre 30 tuwing Lunes hanggang Sabado, kabilang ang mga pista opisyal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon na may maiksing suspensyon sa Marso 28 hanggang Marso 30 bilang pagdiriwang ng Semana Santa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePag-aresto kay Jade Castro pinatatalupan sa Senado
Next article‘Transparency strategy’ sa WPS tuloy – PCG