Home NATIONWIDE Contracts of service sakop sa one year appointment ban sa mga natalong...

Contracts of service sakop sa one year appointment ban sa mga natalong kandidato sa eleksyon

MANILA, Philippines – Dapat ipatupad sa lahat ng natalong kandidato sa eleksyon ang pagbabawal na maitalaga sa anumang government position sa loob ng isang taon mula nang maganap ang eleksyon kahit saan pa man lugar o kahit anong posisyon.

Sa desisyon na pinonente ni Associate Justice Jose Midas P. Marquez, ibinasura ng Supreme Court En Banc ang petition for certiorari ni Raul F. Macalino kaugnay sa hindi pagpayag ng Commission on Audit (COA) na bayaran siya ng kanyang sahod at allowances bilang Legal Officer II ng Municipal Government ng Mexico, Pampanga.

Sa rekord ng kaso, tumakbo at natalo si Macalino bilang vice mayor ng San Fernando City, Pampanga noong May 2013 elections.

July 1, 2013 nabigyan ito ng contract of service sa Municipal Government ng Mexico, Pampanga sa pamamagitan ng noo’y Mayor Roy D. Manalastas.

Sa ilalim ng contract of service, ang katungkulan ni Macalino ay bilang Legal Officer II mula June 1, 2013 hanggang July 30, 2014.

Taon 2014, naglabas ng Notice of Disallowance ang COA at ipinasasauli sa gobyerno ang sahod at Personal Economic Relief Assistance ni Macalino na aabot sa ₱149,015.

Ayon sa COA, paglabag ito sa constitutional prohibition at sa Local Government Code (LGC).

Sinabi ng Korte Suprema na malinaw ang nakalagay sa Article IX-B, Section 6 ng Constitution na ang mga natalo sa eleksyon ay hindi maaaring maitalaga sa anumang posisyon sa loob ng isang taon.

”Such prohibition is a recognition of political will— it means that the people rejected the losing candidate and did not want him or her to occupy a public office. Thus, the electorate’s volition will be flouted if a candidate is immediately appointed to an office in the government after losing an election bid.”

Sinabi ng Korte na hindi rin tama ang argumento ni Macalino na hindi sakop ng prohibition ang contracts of service.

“Both the Constitution and the LGC explicitly use the phrase any office in the Government or any [GOCCs] or in any of their subsidiaries.” Teresa Tavares

Previous articlePBBM, First Lady may trangkaso pa rin
Next articleLa Union, Cotabato nakaramdam ng mala-impyernong init