Home NATIONWIDE PBBM, First Lady may trangkaso pa rin

PBBM, First Lady may trangkaso pa rin

MANILA, Philippines – PATULOY na nakararanas ng flu-like symptoms o trangkaso ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta- Marcos.

Subalit, nilinaw ng Presidential Communications Office (PCO) na may pagbuti naman sa kanilang kalagayan at nanantiling stable ang kanilang vital signs.

Pinayuhan ang mga ito na ipagpatuloy lamang ang pag-inom ng gamot, pahinga at hydration para ganap na gumaling.

Tiniyak ng PCO na, “the President continues to work in his residence, handling correspondence and directives within medical advice. He anticipates resuming full public engagements soon, per his physician’s clearance.”

Sa kabilang dako, dahil sa trangkaso, hindi makakadalo si Pangulong Marcos Jr. sa ika-127 Philippine Army founding anniversary, bukas, araw ng Biyernes, Marso 22.

Ang abiso ay nanggaling mula sa Presidential Communications Office (PCO) matapos na ihayag ni PCO Secretary Cheloy Garafil, Miyerkules ng gabi na tinamaan ng trangkaso sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.

Ang founding anniversary celebration ay gaganapin sa Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, ang lahat ng events ng Pangulo ay kanselado.

Nauna rito, sinabi ng PCO na si Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza ay uminom ng tubig, gamot at nagpapahinga para mapagaan ang kanilang sintomas. Kris Jose

Previous articlePBBM hinimok na humawak sa operasyon ng NFA
Next articleContracts of service sakop sa one year appointment ban sa mga natalong kandidato sa eleksyon