Home OPINION DAPAT BANG MAGING STATE WITNESS?

DAPAT BANG MAGING STATE WITNESS?

250
0

NANG dumalo ang mag-asawang Curlee at Sara Discaya sa Senate Hearing noong unang linggo ng Setyembre, nabanggit kaagad nila ang mga sangkot sa anomalya ng kanilang mga kontrata kaugnay sa flood control projects kung saan kabilang sina House of Representative speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Partylist head Rep. Zaldy Co.

Kaya naman sinabi ng noon ay Blue Ribbon Committee chairman na si Senador Rodante Marcoleta na pwede silang maging state witness o kaya’y dapat na sumailalim sa witness protection program. Pero diskumpyado si Justice Secretary Boying Remulla.

Habang pagdating naman sa HOR, ipinipilit ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro na hindi pwedeng maging state witness ang mag-asawa dahil hindi naman sila ang “the least guilty.”

Pero tama ba ang mga sinasabi ng mga nasa posisyon?

Paano ba maituturing na state witness ang mag-asawang Discaya kung maraming iba pa ang pwede namang magbigay ng pahayag at magpakita ng ebidensya?

Para maituring na state witness ang sinoman, kailangang may inihaing kaso na laban sa kanya. Saka pa lang magdedesisyon ang korte kung siya o sila ay karapat-dapat na maging state witness.

Kung hanggang sa ngayon ay wala pang kasong naisasampa, sino ang magdedesisyon na sila ay dapat maging state witness? Ang tanging makapagsasabi na sila ay karapat-dapat na maging state witness ay tanging ang KORTE lamang.

Hindi ang Senado o Kamara at hindi ang kalihim ng Department of Justice.

Marami ang tutol na maging state witness ang mga Discaya. Totoo naman. Hindi sila dapat maging state witness dahil maraming iba pa ang nakaaalam ng sindikato ng mga politiko kung bakit tuloy-tuloy ang korapsyon.

Pero mali ang sinasabi ni Rep. Luistro, isang abogado, na hindi pwedeng maging state witness ang mag-asawa dahil hindi sila ang “the least guilty”.

Ang sabi sa requirement to become a state witness, iyong pang-apat, NOT THE MOST GUILTY. Hindi sinabing the least guilty.

Pero hindi na dapat pagtalunan ang usaping ito. Dapat, ang unang gawin ay sampahan na kaagad ng kaso ang mga sangkot sa katiwalian upang masabi na sila ay mga AKUSADO.

At dapat talagang masampahan na ng kaso ang mga sangkot sapagkat marami sa kanila ang unti-unting tumatakas na mula sa bansa kasama ang kanilang pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here