Home NATIONWIDE Deportation case vs Shiela Guo binusisi ng BI

Deportation case vs Shiela Guo binusisi ng BI

164
0
Humarap at nagsalita na si Shiela Guo, kapatid ng dismissed mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa pagdinig ng Senado nitong Martes, Agosto 27. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng pagdinig ang Bureau of Immigration (BI) nitong Biyernes, Oktubre 4 kaugnay sa deportation case ni Shiela Guo, ang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa ulat, mahigpit na binantayan ng National Bureau of Investigation nang personal itong dumalo sa pagdinig.

Kasama rin dito ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at Philippine Statistics Authority.

Hiniling kay Guo sa naturang pagdinig na tumayo ito sa gilid ng kanyang passport photo na ipinakita sa screen.

“Para sa aking pansariling ebalwasyon, makita natin ang facial features ni Shiela Guo. Kasi itinatanggi niya, yung tao ay nandoon, yung passport ay nandoon,” pahayag ni BI Board of Special Inquiry chairperson Gilberto Repizo.

Nauna nang sinampahan ng reklamo ng BI si Guo, o kilala rin bilang si Zhang Mier, para sa misrepresentation as a Filipino citizen dahil sa dalawang pasaporte na narekober mula sa kanya. Ang isa ay Filipino passports, habang ang tatlo ay Chinese passports.

Hiniling sa kampo ni Guo na magpasa ng memorandum sa loob ng pitong araw bago maglabas ng desisyon ang board of special inquiry ng BI sa susunod na 15 araw.

Ayon sa BI, kung mapatunayang guilty si Guo sa kaso rito sa Pilipinas, kailangan niyang harapin ang parusa ng korte sa kanya bago ito maipa-deport.

“What’s so important about the case of Shiela Guo is that this is a precedent-setting case, marami pa lang ganito. So pwedeng on the basis of our procedures, on the basis of exchanges, ganito na rin ang gagawin namin para di na patagalin,” ani Repizo.

Pagpapatuloy, maaaring magsagawa rin ng pagdinig ang BI sa deportation case para naman sa kapatid nitong si Alice Guo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here