MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes laban sa pekeng websites na nagsusulong ng gamot sa hypertension at iba pang mga sakit.
Base sa abiso, ilang websites ang natuklasan kamakailan na ginagamit ang pangalan ni dating Health Undersecretary Dr. Enrique Tayag upang ituro ang pamamaraan ng umano’y paggamot sa hypertension at iba pang sakit sa pamamagitan ng “clean blood vessels.”
“The DOH clarifies that these websites are not affiliated with Dr. Tayag, the Department, or the Philippine Heart Center, and the contents have been maliciously fabricated,” ayon sa pahayag.
Nagbabala ang DOH sa publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga lehitimong source. RNT/SA