Home NATIONWIDE DOH nagluluksa sa pagpanaw ni Dok Gia

DOH nagluluksa sa pagpanaw ni Dok Gia

MANILA, Philippines – Nagluluksa ang Department of Health (DOH) sa pagpanaw ni Dr. Gia Sison, kasabay ng pag-alala sa kanyang kontribusyon sa mental health awareness sa Pilipinas.

Sa pahayag, nagpaabot ng pakikiramay ang DOH sa pamilya ng mental health advocate at pinuri ito sa mga naging ambag niya para makatulong sa mental health issues ng mga pasyente.

Ayon sa DOH, ang kanyang “calm and friendly voice was a voice that spoke for many others, a messenger that brought about positive change in mental health awareness and policy.”

“Maraming salamat, Dr. Gia, sa pagkilos tungo sa ginhawa ng isip at damdamin,” ani DOH Secretary Teodoro Herbosa.

“A grateful health sector will continue the work to ensure that mental health services will be available for all Filipinos.”

Si Sison ay dating naglingkod bilang consultant para sa
World Health Organization Western Pacific Regional Office on Health Lifestyle in the Workplace.

Pinangunahan niya rin ang Makati Medical Center’s Women Wellness Center at naging advocate ng breast cancer awareness.

Pinangunahan niya rin ang Livestrong Foundation at National Adviser of the Youth for Mental Health Coalition.

Si Sison ay nasawi nitong Marso 21 sa edad na 53. RNT/JGC

Previous articlePag-atake sa Russia concert hall kinondena ng DFA
Next articleGrade 11 student, patay sa poste ng soccer goal