Home NATIONWIDE DOH nakiisa sa 2023 ASEAN Month

DOH nakiisa sa 2023 ASEAN Month

MANILA, Philippines – Nagdiriwang ngayong Agosto ng 56th Founding Anniversary ng ASEAN Month ang Department of Health (DOH) bilang bahagi ng state member ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Kinilala ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang marangal na gawain ng mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ng mga Pilipino sa rehiyon, at kasosyong Pilipino na sumuporta sa ASEAN at nag-aambag sa mga tagumpay sa buong taon, kabilang na ang mga kasalukuyang nagtatrabaho sa ASEÁN Secretariat.

Pinasalamatan din ni Herbosa ang ASEAN Health Ministers Meeting at sa Senior Officials Meeting on Health Development (SOMHD) para sa kanilang patuloy na suporta sa mga hakbangin, na pinangunahan at pinangangasiwaan ng Pilipinas na layong wakasan ang lahat ng anyo ng malnutrisyon, at sa paglaban sa antimicrobial resistance sa pamamagitan ng One Health Approach.

Itinatag ang intergovernmental organization noong Agosto 8, 1967 ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore at Thailand at ngayon ay binubuo ng sampung Member States, kung saan ang Timor Leste ay malapit nang maging ika-11 miyembro ng estado na nasa ilalim ng layunin ng Health Development Agenda ng ASEAN para sa 2021-2025.” Jocelyn Tabangcura-Domenden