Home HEALTH DOH sa publiko: Magpabakuna vs measles at pertussis

DOH sa publiko: Magpabakuna vs measles at pertussis

MANILA, Philippines – Hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na makibahagi sa kanilang kampanya sa pagbabakuna laban sa mga sakit na maiiwasan sa bakuna dahil tumataas ang kaso ng tigdas at pertussis.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ng DOH na nagtatag sila ng pambansang Public Health Emergency Operations Center (PHEOC), na may suporta at tulong mula sa World Health Organization (WHO), United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), at United States Center for Disease Control (USCDC).

Pinangangasiwaan ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang on-the-ground na mga aktibidad sa pagtugon upang mapigil ang mga kaso ng tigdas.

“Code Blue has been practiced in the DOH Central Office (DOH-CO) since March 20, which signals intensified activities to mitigate the spread of the virus through vaccination, micronutrient supplementation, community engagement, and risk communication,” ani Herbosa sa kanyang ulat sa Task Force El Niño.

“A non-selective Outbreak Response Immunization (ORI) strategy for measles-rubella is being implemented in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), together with Vitamin A supplementation and a synchronized supplemental immunization activity on bivalent Oral Polio Vaccine (bOPV),” aniya pa.

Target ng DOH na mabakunahan ang hindi bababa sa 90 porsiyento ng populasyon na may mataas na peligro, lalo na ang mga bata mula 6 na buwan hanggang 10 taong gulang sa layuning makontrol ang tigdas.

Ito ay nagpapaalala sa lahat na makakuha ng libreng pentavalent Diphtheria, Pertussis at Tetanus, Hepatitis B, at Haemophilus influenza type B (DPT-HepB-HiB) at Measles, Mumps and Rubella (MMR) na mga bakuna sa mga lokal na health center.

Noong Pebrero 24, nakapagtala ang DOH ng kabuuang 569 na kaso ng tigdas at rubella. Lahat ng rehiyon, maliban sa Bicol at Central Visayas, ay nag-ulat ng pagtaas ng mga kaso nitong nakaraang buwan.

“Around 163 new cases were reported between Feb. 11 to 24, which is 3 percent higher compared to two weeks prior (159 cases). Ang epidemiologic profile ay nagpapakita na ang mga wala pang limang taong gulang at hindi pa nabakunahan ang pinaka-apektado,” sabi ng DOH.

Ang tigdas ay lubhang nakakahawa at ito ay kumakalat mula sa mga nahawaang indibidwal sa pamamagitan ng hangin, lalo na sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Nakakaapekto ito sa lahat ng pangkat ng edad, ngunit mas karaniwan sa mga bata at kasama sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat, ubo, runny nose, at pantal sa katawan.

“Walang tiyak na paggamot para sa virus na nagdudulot ng tigdas. Gayunpaman, ang pagbabakuna ay nagpoprotekta laban dito, “sabi ng DOH.

Bukod dito, nakapagtala ang DOH ng 453 kaso ng pertussis para sa unang 10 linggo ng 2024. Noong 2023, mayroon lamang 23 kaso ng pertussis na naiulat sa parehong yugto ng panahon.

Humigit-kumulang 52 kaso ang naiulat noong 2019; 27 sa 2020; pito sa 2021; at dalawa sa 2022.

Ang pertussis o whooping cough ay tinatawag na “ubong-dalahit” o “tuspirina” sa Filipino. Ito ay isang nakakahawa na bacterial respiratory infection na nagdudulot ng mga sintomas na tulad ng trangkaso ng banayad na lagnat, sipon, at ubo 7 hanggang 10 araw pagkatapos ng pagkakalantad. RNT

Previous articleAlokasyon ng tubig sa NCR babawasan – NWRB
Next articleInflation rate sa Marso ‘di tataas kaysa sa Pebrero – NEDA