Home NATIONWIDE DOJ sa POGO workers: Visa i-downgrade para ‘di ma-blacklist

DOJ sa POGO workers: Visa i-downgrade para ‘di ma-blacklist

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes sa mga manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na boluntaryong i-downgrade ang kanilang visas, at binalaan ang mga dayuhan na pwersahang ikakansela ang visa na maba-blacklist ang mga ito.

Sinabi ni Justice spokesperson Mico Clavano na binibigyan ang POGO workers ng hanggang Oktubre 15, Martes upang boluntaryong i-downgrade ang kanilang visas.

“After that, on October 16 onwards, we will start to cancel visas that we still see. ‘Yung pinaka effect po kasi ng pag ca-cancel ng mga [the effect of canceled] visas is a corresponding blacklisting,” pahayag niya sa isang media briefing.

“So kung ayaw po ma-blacklist ng ating mga kaibigang empleyado sa POGO, we urge them, encourage them, to simply, voluntarily downgrade their visas,” dagdag niya.

Sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinagbawal niya lahat ng POGOs sa bansa. Inatasan niya ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ipatigil lahat ng operasyon ng POGOs sa pagtatapos ng taon.

Base kay Clavano, ituturing ang POGO workers na mga turista kapag na-downgrade ang kanilang visas.

“In this case, may time limit po sila [when staying in the country] na hindi naman po pwedeng lumampas doon sa given time period,” pahayag ng opisyal. RNT/SA