MANILA, Philippines – Walang nadamay na sensitibong dokumento sa kamakailang sunog na tumupok sa opisina ng Department of Public Works and Highways-Cordillera Administrative Region (DPWH-CAR) noong Miyerkules, Enero 14, sinabi ni DPWH Undersecretary Ricardo Bernabe III sa Senate Blue Ribbon Committee.
Sa pagdinig sa Senado, sa multi-billion peso flood control scandal noong Lunes tinanong ni Sen. Risa Hontiveros si Bernabe tungkol sa files na nasunog at posibleng dahilan sa likod ng insidente.
Sinabi ni Bernabe na ayaw mag-espekulasyon ng ahensya, dahil nagpapatuloy pa rin ang sariling imbestigasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Una nang kinumpirma ni Baguio City Fire Marshal Mark Anthony Dingalan na ang sunog sa DPWH-CAR Office ay nagsimula sa Financial Management Records Room.
Matatandaang nasunog din ang isa pang opisina ng ahensya sa Quezon City. Jocelyn Tabangcura-Domenden