Home OPINION DRIVE SAFELY

DRIVE SAFELY

1
0

HALOS araw-araw, may nababalitaan tayong road crash sa Pilipinas. Mapa-motorsiklo, pribadong sasakyan, bus, truck, o kahit pedestrian at cyclist, patuloy ang pagdami ng mga insidenteng nagreresulta sa pagkasugat at pagkawala ng buhay. Ang mas nakalulungkot, karamihan sa mga road crash na ito ay maaaring iwasan kung may tamang disiplina, maayos na pagpapatupad ng batas, at mas ligtas na road environment.

Sa larangan ng road safety, mas angkop nang gamitin ang terminong road crash kaysa road accident. Para sa iba, ang salitang “accident” ay nagpapahiwatig na wala nang magagawa dahil aksidente lamang ito.

Ngunit sa katotohanan, maaari itong maiwasan dahil may mga malinaw na dahilan kung bakit nangyayari ang mga banggaan. Ang overspeeding, distracted driving, paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, pagmamaneho nang pagod o nasa impluwensiya ng alak, hindi pagsusuot ng helmet o seatbelt, at kawalan ng respeto sa traffic rules ang ilan sa mga dahilan.

Hindi rin dapat sisihin ang driver lamang. Malaking bahagi rin ang ginagampanan ng mahinang road design, kulang na street lighting, sirang kalsada, hindi malinaw na traffic signs, at kakulangan sa mahigpit at tuloy-tuloy na enforcement. Ang road safety ay isang shared responsibility ng motorista, pedestrians, transport operators, employers, at ng pamahalaan.

Habang dumarami ang mga sasakyan sa ating mga lansangan, mas kailangan nating palakasin ang road safety education, defensive driving programs, regular vehicle inspection, at journey management ng mga kompanya.

Dapat ding patuloy na suportahan at palakasin ang paggamit ng teknolohiya tulad ng dashcams, global positioning system device, speed monitoring, at iba pang intelligent transport systems upang makatulong sa pag-iwas sa road crashes.

Ang bawat ligtas na biyahe ay hindi bunga ng swerte kundi ng tamang desisyon at responsableng pagkilos. Sa huli, ang tunay na sukatan ng isang maunlad na transport system ay hindi ang dami ng sasakyan sa kalsada, kundi ang dami ng mga taong ligtas na nakarating sa kanilang destinasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here