MANILA, Philippines – Imbes marelaks sa iniinom na frappuccino coffee, nadismaya ang isang customer ng isang kilalang coffeehouse chain matapos siyang makahigop ng kapeng may “dumi” na nakahalo rito.
Sa ipinadalang panayam at bidyo sa Remate News Central ng nagrereklamong customer, makikita ang maliliit na bilog na mistulang foil na nakahalo sa iniinum na iced beverage mula sa Starbucks Metropolitan Hospital branch sa Masangkay St., Sta. Cruz, Manila.
“I was drinking my mocha frapp[e]ucchino, grabbed from Starbucks Metropolitan Hospital branch when I noticed there were was an object in my mouth,” lahad ng nagrereklamo kung saan naideliber sa kanya ang inumin bandang alas-10 ng umaga ng Biyernes, Pebrero 2.
Noong una ay binalewala niya lang ito sa pag-aakalang parte lang ito ng iced beverage.
“I tried to bite it, but when I bit it the texture was like plastic and it couldn’t be chewed so I spit it out. When I spat it out I found a foil-like object. This happened around 3 times at first I didn’t mind but then it was 3 bits,” dagdag pa niya.
Nang makailang-ulit niya na itong naramdaman ay dito na niya binuksan ang iniinom at tumambad ang maliliit na foil sa loob ng inumin.
“I opened the cup then looked at the bottom and found foil inside my cup/drink,” aniya pa.
Nangangamba ngayon ang complainant sa kanyang kalusagan lalo’t hindi sigurado ang posibleng maging epekto nito at kung saan nanggaling ang nasabing maliliit na foil na nasa loob ng inumin.
Bukas ang Remate News Central para sa panig o anomang komento ng Starbucks Metropolitan Hospital branch o sa pamunuan ng nasabing coffeehouse chain. RNT