Home NATIONWIDE Easterlies magdadala ng mga pag-ulan sa bansa

Easterlies magdadala ng mga pag-ulan sa bansa

MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto ang easterlies sa malaking bahagi ng bansa.

Dahil dito ay inaasahang magdadala ito ng maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm ngayong Huwebes, Mayo 23.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa nasabing weather system.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha o landslide sa serye ng severe thunderstorms. RNT/JGC