Home HOME BANNER STORY El Niño nagsimula na – PAGASA

El Niño nagsimula na – PAGASA

MANILA, Philippines – Opisyal nang idineklara ng PAGASA nitong Martes, Hulyo 4 ang pagsisimula ng El Nino phenomenon sa bansa.

Ang El Nino phenomenon ay binubuo ng abnormal na pag-init ng temperatura sa dagat sa central at eastern equatorial Pacific Ocean at mas mababa sa normal na pag-ulan.

Bagama’t pinatataas ng El Nino ang tsansa ng below-normal rainfall conditions, posible namang maranasan sa kanlurang bahagi ng bansa ang above-normal rainfall conditions dahil sa Habagat.

Matatandaan na nagtaas ng El Nino alert ang PAGASA noong Mayo makaraang makita sa susunod na tatlong buwan ang 80% ng tsansa ng pag-iral nito, hanggang sa unang bahagi ng 2024. RNT/JGC