Home ENTERTAINMENT Sanya, ‘di kilala ng It’s Showtime crew, sumablay!

Sanya, ‘di kilala ng It’s Showtime crew, sumablay!

Manila, Philippines – Gaya nga ng inaugural episode ng It’s Showtime sa GTV nitong July 1, Sabado ay nagkapit-bisig ang mga Kapamilya at Kapuso stars.

Lending their support to IS na umeere na sa sister channel ng GMA were Barbie Forteza, Jolina Magdangal, Pokwang, brothers Rodjun and Rayver Cruz, Sanya Lopez, among others.

Nakakatuwang panoorin ang energy ng magkapatid na Cruz as they shared the dance floor with real-life friends Vhong Navarro and Jhong Hilario.

Impressed naman si Vice Ganda sa vibe na hatid ni Barbie prompting her to say na bagay itong maging host sa 14 anyos na noontime show.

Pasabog din ang Unkaboggable Star who was on board a helicopter from ABS-CBN’s ELJ Bldg en route sa GMA compound.

Bongga ang dance number ni Vice Ganda sa mismong GMA entrance amidst the Castrillo sculpture, that one described it as making the impossible possible.

Overall, opinyon nga ng isang respected online columnist, ang nagwagi sa tatlong pananghaliang programa ay ang Showtime.

Knowing ABS-CBN, ginastusan talaga nito ang pilot episode ng IS sa GTV.

Pero hindi nakaligtas ang kapuna-punang sablay ng Kapamilya show.

Obyus na hindi na-brief ang mga cameraman sa “hitsura” ni Sanya.

Sa ibang babae kasi nakatutok ang camera kung saan ay dapat na kay Sanya na.

Mapapaisip tuloy ang viewer kung kilala na nga ba si Sanya ng madlang people, o kilala lang siya ng mga manonood ng GMA?

Puwede ring negligence ‘yon sa parte ng Showtime crew, at malamang na unintentional ‘yon.

But if it was otherwise, posibleng mag-reflect ito sa mga TV assignments ni Sanya kung ganyang hindi rumehistro ang kanyang physical presence.

How sad, very sad. Ronnie Carrasco III