Home OPINION ELECTRIC VEHICLE NASUSUNOG SA BAHA

ELECTRIC VEHICLE NASUSUNOG SA BAHA

126
0

TODO-SISI ngayon ang maraming may-ari ng electric vehicle o EV sa United States makaraang mapatunayang bigla na lang nasusunog ang mga ito kung nasasabak sa mga baha.

Todo-sisi dahil hindi lang ang mga EV ang nasusunog kundi maging ang mga gusali, bahay o garahe at mga katabing mga sasakyan din.

Ang hindi pa maganda, kasama rin sa mga basta na lang nasusunog ang mga EV rin na scooter, hoverboard, golf cart at electric wheelchair.

Para hindi sila masunugan, kapag may balita nang mga bagyo o tornado na may dalang malalakas na ulan na lilikha ng mga baha, sinasabing dapat mabilis na dalhin ang mga EV sa matataas at hindi aabutin ng baha.

Ngunit gaano ba kapeligro ang sunog sa EV?

Una, napakadaling umapoy umano ang lithium at ion battery lalo na kung maalat na tubig ang sasaboy o paglulubugan nito, ngunit umaapoy rin sa tubig-tabang.

Kapag may tubig sa ibabaw ng baterya, mayroon umanong short circuit dahil para ka nang naglagay ng bakal sa negative at positive na terminal ng baterya na lumilikha ng apoy.

Kabilang sa mga nangyayari ang pagsabog mismo ng mga baterya at kasunod na nito ang apoy.

Sinasabi mismo ng mga bumbero na napakahirap apulahin ang apoy na likha ng lithium at ion battery.

Paano na lang kung hybrid ang sasakyan na kombinasyon ng EV at de-gasolina, natural gas, liquefied petroleum gas at iba pa na sa kahit kaunting singaw lang ng huli, maaari nang sumiklab ang apoy?

Sa nakalipas na super bagyong Helene sa US, may 600 na total loss na EV at hindi na kayang i-repair habang 36 ang ganap na nasunog.

Sa Pinas, parami na nang parami ang EV na traysikel, motorsiklo, kotse, golf cart at bus.

Alam na ba ng mga tsuper at operator na nasusunog ang mga ito kapag nalulubog sa baha?

Ingat na lang ang lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here