Home OPINION ERWIN TULFO, SENADOR?

ERWIN TULFO, SENADOR?

204
0

SA hanay ng mga tatakbong senador sa 2025, isang pangalan ang palaging “angat” sa mga ‘survey,’ si ACT CIS Rep. Erwin Tulfo. Kung ‘sakto’ ang resulta hinggil sa ‘wish-ko-lang’ ng publiko, ‘sure ball’ na ang pagiging senador ni ‘Idol Erwin.’

Para naman sa mga nagsasabi na “kilala” nila ang mga Tulfo, hindi umano “dapat” maging senador si Cong. Erwin– o kahit sino pa sa mga Tulfo. Hindi anila “bagay” sa Senado ang sino man sa kanila.

Tumawa na lang tayo, mga kabayan. Kasi nga, mas may “karapatan” si Erwin na maging senador  kumpara sa ilang senador na ngayon at sa mga nag-aambisyon na maging senador.

Bilang beterano sa sektor ng media na ‘independent-minded,’ sobra sa “rekisitos” ng senador ang mga nakalap na karanasan at mga ‘insight’ sa mga isyu ni Cong. Erwin, kumpara sa ibang kandidato. Translation? Mas “may sustansiya” kung mag-isip si Erwin. Praktikal, agad ang pakinabang sa kanyang solusyon.

Sa madami ng “K” ni Erwin bilang kandidato, heto ang talagang gusto natin: sa kanyang naabot na tagumpay, nanatili siyang mababa ang loob at hindi kinalimutan ang sektor na pinanggalingan niya, ang media.

Sa suporta ni Erwin at ACT-CIS partylist sa kasagsagan ng pandemya (2020/2021), hindi natigil ang ayuda ng National Press Club  sa mga miyembro nito; tiniyak din ni Erwin na hindi tumitigil sa pag-aaral ang mga anak ng mga mamamahayag. Ako ang NPC president noon kaya alam ko ang sinasabi ko ngayon.

Importante sa tao, mga kabayan, ang may “malasakit” sa kapwa, hindi “nalalasing” sa kapangyarihan at kayang tumayo sa kung ano ang “tama” laban sa “mali.”

Si Erwin Tulfo, senador?  Dapat lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here