Home ENTERTAINMENT Emma Cordero, idinetalye ang award ni Ate Guy sa Japan!

Emma Cordero, idinetalye ang award ni Ate Guy sa Japan!

Manila, Philippines – Very excited na ang World Class Excellence Japan (WCEJA) president at ang OPM recording artist na si Emma Cordero sa pagpunta ng National Artist na si Nora Aunor sa Fukuoka, Japan.

Si Emcor kasi ang host ni Ate Guy sa Japan lalo’t tatanggap ng recognition ang Superstar sa WCEJA 2023 na gaganapin sa New Otani hotel sa Fukuoka.

Sa pagbisita ni Emcor sa Pinas ay dinetalye niya ang mga pupuntahan ni Ate Guy sa Japan sa darating na October 30, 2023.

“One day before WCEJA, ‘yun ang dating nila sa Fukuoka. Kung hindi siya pagod, naka-ready na ang team namin para ipasyal si Ate Guy sa mga tourist spot sa Fukuoka gaya ng sa tower. Pero kung pagod na siya, e, hahayaan na lang namin na makapag-rest siya sa kanyang hotel.

“Sa October 30 ang awards night kung saan ire-recognize si Ate Guy bilang Lifetime Achievement awardee ng WCEJA. ‘Yan ang highest recognition na binibigay ng award-giving body every year.

“Bukod dito, may hinanda rin kaming production number para kay Ate Guy na siguradong magugustuhan niya at ng nga taong pupunta sa red carpet event.

“Marami nang mga kababayan natin anv nae-excite sa pagdating ni Ate Guy sa Fukuoka and we are all looking forward to see her sa Japan para naman maka-meet and greet din niya ang mga fans niya na matagal na siyang hindi nakikita,” sabi pa ni Emcor. JP Ignacio