Home OPINION EPEKTIBONG PAMAMAHALA SA BUONG PHILHEALTH REGION X

EPEKTIBONG PAMAMAHALA SA BUONG PHILHEALTH REGION X

Mas pinaigting ang implementasyon ng Universal Health Care sa buong PhilHealth Regional Office X (PRO-X) sa Cagayan de Oro City sa ilalim ng pamumuno ni Regional Vice President Delio Aseron II.

Noong calendar Year 2022 at CY 2023 ay binigyang pag­kilala ng PhilHealth Region X ang iba’t ibang stakeholders na sumuporta at tumulong sa pagsusulong ng mga programa ng PhilHealth sa buong rehiyon.

Maraming inobasyon ang nagawa ni RVP Aseron upang mas mailapit ang PhilHealth sa publiko at mas maunawaan nila ang kanilang mga karapatan at benepisyo.

Nanguna siya sa pagbibigay ng mga karagdagang impormasyon sa pagpapaunlak sa iba’t ibang media interviews/gues­tings.
Nakipagtulungan rin siya sa local National Bureau of Investigation para imbestigahan ang mga nais umabuso at magsamantala sa programa na nag-aalok ng IDs o Member Data Record sa social media.

Binigyan niya rin ng prayoridad na marehistro para magkaroon ng benepisyo sa PhilHealth ang mga kapatid nating mga katutubo sa lalawigan ng Bukidnon. Ganun din ang pagbibigay importansya sa mga rebel-returnees at Persons Deprived of Li­berty.

Naging masigasig din sa pagkampanya para mas dumami ang akreditasyon ng mga pasilidad para sa Konsulta, mas pinaganda rin niya ang mga iba’t ibang opisina ng PhilHealth.

Personal na nasaksihan ito ng inyong Agarang Serbisyo Lady sa dalawang taon pagbisita ko sa Cagayan de Oro City. Marami pang magagawa si RVP Aseron sa PRO 10 at kailangan siya ng rehiyon para magpatuloy ang mga magagandang nasi­mulan niya roon.

Si RVP Aseron ay isang mahusay na technocrat, malaking asset siya ng PHILHEALTH para maiparamdam sa mga miyembro ang mandato ng health insurance corporation.

Alam niya ang mga ginagawa niyang hakbang at marunong siyang makinig at tumanggap sa suhestiyon ng mga kasama. Ganitong mga lider ang kailangan ng ating bansa para makapagbigay ng serbisyo ng maayos sa mga mamamayan.

Tiyak na hindi lamang basta nag-enjoy si PCEO Ledesma sa mainit na pagtanggap sa kanyang pagbisita sa PhilHealth Regional Office X, kundi napansin niya rin ang sipag at galing ng mga namumuno at kawani ng nasabing opisina. Nawa ay makabisita muli ang inyong Agarang Serbisyo Lady sa CDO – The City of the Golden Friendship.