MANILA, Philippines – Nagbitiw na si dating Public Works and Highways Secretary Rogelio “Babes” Singson mula sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ito ay kinumpirma ni ICI Chair Justice Andres Reyes Jr. Epektibo ang pagbibitiw simula Disyembre 15, 2025, ngunit maaaring umabot hanggang Disyembre 31.
Ayon kay Reyes, binanggit ni Singson ang dahilan ng kalusugan at seguridad, at sinabi niyang ang matindi at nakaka-stress na trabaho sa ICI ay nakakaapekto na sa kanyang katawan.
Naghihintay pa ang ICI ng pagtanggap ng Malacañang sa kanyang pagbibitiw, at wala pang itinakdang kapalit. RNT