Home HOME BANNER STORY Ex-governor Pryde Henry Teves dapat isama sa multiple murder case – PNP

Ex-governor Pryde Henry Teves dapat isama sa multiple murder case – PNP

MANILA, Philippines – Hiniling ng Philippine National Police sa Department of Justice na isama sa multiple murder case ni dating Congressman Arnolfo Teves ang kapatid nito na si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves.

Kaugnay ito sa pagpatay kay dating governor Roel Degamo at siyam na iba pa.

Sinabi ni Major Gen. Nicholas Torre, director ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, maliban kay Pryde Henry, dapat din isama ang siyam na iba pa dahil sa sabwatan para patayin si Degamo.

“May mga bagong ebidensya na na-uncover so dinagdag natin para mapag-aralan ng ating prosecution kung paano ito masampa na rin sa korte,” ani Torre.

Tumanggi naman si Torre na magbigay ng karagdagan pa na detalye dahil sumasailalim pa ito sa pagsusuri ng DOJ.

Ang multiple murder cases laban kay Arnolfo Jr. ay dinidinig sa Manila Regional Trial Court Branch 51.

Si Arnolfo Jr. ay kasalukuyan pa rin nasa Timor-Leste. Hinihintay na lamang ng Department of Justice ang pinal na desisyon ng Court of Appeal ng Timor Leste hinggil sa extradition request ng Pilipinas. TERESA TAVARES