Home NATIONWIDE Mas mahigpit na deployment measures sa OFWs sa Kuwait, ipatutupad

Mas mahigpit na deployment measures sa OFWs sa Kuwait, ipatutupad

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG ipatupad ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mas mahigpit na deployment measures para sa mga manggagawang filipino sa Kuwait, kasunod ito ng high-profile na pagkamatay ng mga pilipinang sina Jenny Alvarado at Dafnie Nacalaban sa Middle Eastern country.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na kailangan munang i-check ang kuwalipikasyon at background ng potensyal na employers bago pa mag-hire ng Filipino household service workers.

“The standards, yung qualifications, no criminal record, clear track record, and yung financial capacity to pay… Yung mga kasambahay, alam natin dekalidad, at dapat hindi lang basta-basta ang makahire sa kanila. We would also look into the standards, yung qualifications of the employers before they go,” ang sinabi ni Cacdac.

Ire-require rin ng DMW ang virtual meeting sa pagitan ng OFW at kanilang employer bago pa ang deployment para maiwasan ang postensiyal na hindi pagkakaunawaan at gusot.

“Ang isang nakikita natin dito sa deployment ng OFWs sa Kuwait, yung worker, pumipirma ng kontrata, nakapangalan doon ang employer. Pero hindi nya kilala ang employer and this is very problematic. Pagdating doon, hindi nya alam ang ugali, posibleng magbreed ng misunderstanding and worse, conflict,” aniya pa rin.

“So we are producing what we call know your employer, bago pa umalis, may video call na with the employer. Kita na nya ang mukha. And actually, in fairness to the employer, vice versa. Makikilala nya na rin kung sino ang worker na papunta sa kanya,” dagdag na wika nito.

Mahigpit namang imo-monitor ng gobyerno ng Pilipinas ang kasalukuyang situwasyon ng mga manggagawang filipina na matagal nang nasa Kuwait.

“Yung si Jenny kasi and Dafnie kasi are both balik-manggagawa, matagal na sila doon. So we will also implement measures, yung kamustahan, system where mangungumusta tayo na kahit matagal na doon ay pwede pa ring mag-ulat sa atin at makita ang sitwasyon nila electronically,” anito.

“That’s on top of the measures that we instituted, hindi pwede ang first-timers, and then whitelisting, ng both Kuwaiti recruiter and the Philippine recruiter, and also even the employer. Hindi na pwedeng maulit yung mga naglabag ng karapatan ng mga OFWs,” aniya pa rin. Kris Jose