Home METRO Ex-kagawad ng barangay inambush ng tandem, patay

Ex-kagawad ng barangay inambush ng tandem, patay

MANILA, Philippines – Isang dating kagawad ng barangay ang namatay makaraang tambangan ng riding in tandem habang lulan ng kanyang sasakyan sa Barangay Salinas 1, Bacoor City, Cavite.

Dead on the spot ang biktimang si alyas ‘Lleo’, dating Barangay Kagawad ng nasabing lugar dahil sa tama ng bala sa katawan.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya sa dalawang suspek na riding in tandem gamit ang Honda Beat na motor na kulay itim na tumakas matapos ang insidente dala ang hindi pa nabatid na kalibre ng baril.

Ayon sa report, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Brgy Salinas 1, sakay ng kanyang sasakyan na Honda Civic na may plakang XBK 510 papauwi sa kanilang tahanan nang paulanan ng nakamotor na mga suspek ang kotse ng biktima.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa Closed Circuit television (CCTV) sa posibleng dinaanan ng mga suspek at pagkakakilanlan ng mga ito. Margie Bautista