Home METRO Babae nasagip sa tangkang pagpapakamatay sa hotel

Babae nasagip sa tangkang pagpapakamatay sa hotel

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang babae na tinangkang magpakamatay sa isang hotel sa Quiapo, Maynila.

Nangyari ang insidente sa loob ng Winter Hotel na matatagpuan sa Hidalgo St., sa nasabing lugar.

Nauna rito, kasama ng biktimang si Princess ang kanyang live-in partner na nagcheck-in pasado alas 5 ng umaga ngayong Sabado sa nasabing hotel para sa pamamalagi nila ng 20 oras.

Habang nasa hotel, nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa dahilan para tangkaing magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ng room 1214.

Ang insidente ay nakapukaw sa atensyon ng mga awtoridad na nagpapatrolya sa lugar kaya nirespondehan.

Sa pakikipag-usap ng mga operatiba ng MPD, napapayapa ang biktima at napakiusapan na huwag itong magpakamatay kaya naman siya ay nailigtas sa posibleng kapahamakan o kamatayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden