Home METRO Magkapatid natusta sa nasunog na bahay

Magkapatid natusta sa nasunog na bahay

CAVITE- MAGKAYAKAP pa ang magkapatid na batang babae at lalaki ng matagpuan ang kanilang bangkay sa nasunog na bahay nitong Biyernes, Abril 19 sa bayan ng Silang.

Sa pagresponde ng tauhan ng Silang Fire Station sa bahay ng mga biktima sa Brgy. Biluso, ng naturang lungsod halos hindi na makilala ang bangkay ng magkapatid na edad 3 at 4.

Ayon sa report nagsimula ang sunog bandang 3:45 PM at tuluyan itong naapula dakong 4:51PM.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naiwan ang magkapatid sa bahay habang ang ina ay naghahanap ng kahoy na panggatong sa kanilang pagluluto at ang ama naman ay nasa trabaho.

Dahil gawa lamang sa light materials ang bahay mabilis na kumalat ang apoy at nadamay pa ang isang kalapit na bahay.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang sanhi ng sunog ay halaga ng mga ari-arian tinupok ng apoy.

Nagbigay naman ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Silang sa pamilya ng magkapatid. Mary Anne Sapico