Home METRO Mag-asawa at 2 tauhan huli sa P3.4M shabu

Mag-asawa at 2 tauhan huli sa P3.4M shabu

COTABATO CITY- TIKLO ang mag-asawang pinaniniwalaan dealer ng shabu at dalawa nilang tauhan sa isinagawang entrapment operation ng ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao nitong Huwebes, Abril 18 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Sampulna Amboto Mague, misis nitong si Noraida, mga tauhan na sina Tammy Sulaiman Mague at Amram Abdullah Enga, pawang mga taga Barangay Poblacion 2, Cotabato City

Sa report ng PDEA-BARMM, nadakip ang suspek noong Abril 18, 2024 sa kanto ng Suraik Macmod Street at Almonte Extension Barangay Poblacion 2, Cotabato City.

Nakuha sa mga suspek ang 500 gramo ng shabu na aabot sa halagang P3.4 milyon.

Sinabi ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, si Mague ay kilalang “bigtime” shabu dealer na siyang nagbabagsak sa mga bayan ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico