Home METRO Magsasaka arestado sa shabu at granada

Magsasaka arestado sa shabu at granada

TULUNAN, Cotabato- ARESTADO ang isang magsasaka matapos makuhanan ng hinihinalang shabu at granada sa isinagawang search operation ng mga awtoridad nitong Biyernes, Abril 19 sa bayang ito.

Ayon kay Captain April Rose Soria, hepe ng Tulunan Municipal Police Station, nadakip ang suspek na hindi pinangalanan sa bahay nito sa Purok 4, Barangay Bual ng naturang bayan.

Nakuha sa bahay ng suspek ang shabu na aabot sa halagang P18,000 at granada.

Sinabi ni Soria, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na aktibidad ng suspek at isinailalim ito sa monitoring hanggang sa nagpositibo na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 9516 o illegal possession of firearms at explosives. Mary Anne Sapico