Home NATIONWIDE Luzon grid naka-yellow alert mula 6 ‘gang 10 ng gabi

Luzon grid naka-yellow alert mula 6 ‘gang 10 ng gabi

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Sabado, Abril 20 na ilalagay sa yellow alert ang Luzon grid mula alas-6 hanggang alas-10 ng gabi ngayong araw.

Ito ay dahil inaasahang nasa 12,048 MW ang available capacity pagsapit ng 7 ng gabi, habang ang peak demand ay nasa 11,426 MW.

Anang NGCP, nasa forced outage ang 22 power plants habang ang isa pa ay tumatakbo sa derated capacity.

Nangangahulugan ito na ang kabuuang 2,325.8MW ng kuryente ay hindi available sa Luzon grid.

“A yellow alert is issued when the operating margin is insufficient to meet the transmission grid’s contingency requirement,” sinabi ng NGCP. RNT/JGC