Home METRO Ex-PDEA agent, illegal recruiter ng PCG applicant, arestado

Ex-PDEA agent, illegal recruiter ng PCG applicant, arestado

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki dahil sa illegal na pagre-recruit ng mga aplikante ng Philippine Coast Guard (PCG) kapalit ng pera.

Ayon sa PCG, ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek na inireklamo ng tatlong aplikante ng PCG sa Sampaloc, Maynila nitong May 22 ng hapon.

Ang suspek na si Morris Javier Ladjaanang ay dati umanong ahente ng PDEA na nahaharap sa mga kasong “qualified estafa” at “usurpation of authority.”

Pinangakuan umano ng illegal recruiter ang mga aplikante na siguradong makakapasok sa organisasyon kapalit ng P350,000 kada aplikante.

Alinsunod sa direktiba ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gavan, nagpapatuloy ang masusing koordinasyon ng PCG sa PNP tungo sa pagtataguyod ng malinis at maayos na ‘nationwide recruitment process’ ng organisasyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)