ITINALAGA bilang bagong Head Executive Assistant (HEA) ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis ” Tol” Tolentino si G. Gerald Dequina na dating Political Officer ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Hind na bago pa kay Tolentino na maka trabaho si Dequina lalo na’t minsan na din silang nagsama nito sa Senado noong siya ay senador siya.
Nagpapasalamat naman si Dequina sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Tolentino upang makatuwang para pagsilbihan ang bawat manggagawang Filipino.
Tiniyak din ni Dequina na susuportahan niya ng buong puso ang lahat ng programa nina Tolentino at Pangulong Marcos para sa mga manggagawang Filipino anumang sektor ito ng ating lipunan.
Naniniwala pa si Dequina na sa liderato ni Tolentino ay tiyak at makakaasa ang bawat manggagawang Filipino na makuha ng tama at sapat ang kani-kanilang mga benepisyo sa mga kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan.
Tiwala si Dequina kay Tolentino na kayang-kaya nitong mabigyan ng solusyon ang bawat hinaing ng mga manggagawang Filipino.
Siniguro din ni Dequina ang proteksyon ng bawat manggagawang Filipino sa ilalim ng liderato ni Tolentino.
Bago pa man napunta si Dequina sa DOLE para tumulong kay Tolentino ay nagsilbi din ito sa Bureau of Customs (BoC). RNT