Home NATIONWIDE Ex-PRRD suportado nina Villanueva, Ejercito bilang special envoy sa China

Ex-PRRD suportado nina Villanueva, Ejercito bilang special envoy sa China

MANILA, Philippines – Suportado nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Deputy Majority Leader Joseph Victor Ejercito na italaga si dating President Rodrigo Duterte bilang speial envoy upang magsagawa ng backchannel talks sa China dahil may “access” at pagiging kaibigan ni Chinese President Xi Jinping.

“Why not? [Ýung] access n’ya doon sa China, sa pangulo ng China, talagang he could be the right person to talk [with them] para ma-ease itong tension na nararamdaman doon sa West Philippine Sea,” ayon kay Villanueva.

“More so, to make sure na bukas pa rin ang communication natin. Kasi at the end of the day, hindi naman tayo dapat talagang nagpapadalos-dalos. Ngunit, sa isang banda, hindi rin tayo magpapdarag at hindi rin tayo basta-basta na lamang tatanggapin na pwede tayo batuk-batukan doon sa sarili nating teritoryo,” giit pa niya.

Naniniwala siya na makatutulong si Duterte dahil may “access and he is being respected in China.”

Sinundan naman ni Ejercito ang pananaw ni Villanueva dahil kailangan mapanatili natin ang linya ng komunikasyon sa China sa gitan ng sitwasyon sa WPS alinsunod sa suhestiyon ni Senator Alan Peter Cayetano na gawin siyang (Duterte) special envoy sa China.

“Yes, that would be a good suggestion na gawin siyang special envoy to China. Ang importante kasi dito lines are open e kahit na hindi tayo nagkakaintindihan ngayon,” ayon kay Ejercito.

“It’s an open book na talaga namang mas malapit siya sa China… I think President Duterte–siya po ay dating president, naging kaibigan siya ng China… I would agree that President Duterte would make a good special envoy to China regarding the West Philippine Sea issue,” dagdag niya.

Nitong Huwebes, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na bukas siya kay Duterte bilang special envoy.

“Why not? Anyone who can help diplomacy in this part of the world, in this economic zone of ours, exclusive economic zone, would be a big help,” ayon kay Zubiri.

“It could be former President Rodrigo Roa Duterte. It could also be Alan. Why not Senator Alan as well to help in the back channeling since he’s quite close to some of the officials there being the former Secretary of Foreign Affairs?” dagdag ng lider ng Senador.

Ikinatuwa naman ni Senator Bong Go, dating special assistant ni Duterte sa ideya na gawing special envoy sa China ang dating Pangulo.

“I agree with Senator Cayetano. Meron siyang magandang relasyon, maganda po ang kaniyang relationship with the leadership of the Chinese government, si President Xi,” ayon kay Go.

“Magkaibigan po sila, magkakaintindihan sila at madali silang mag-usap,” dagdag niya. Ernie Reyes

Previous articleMahigit 3 milyong indibidwal apektado ng habagat, bagyong Egay at Falcon – NDRRMC
Next articlePimentel nabahala sa P10.12B confidential, intel funds: ‘Malaking pagkakamali’