Home NATIONWIDE Ex-vax czar ng Pinas duda sa ‘anti-vax’ campaign ng US vs Tsina

Ex-vax czar ng Pinas duda sa ‘anti-vax’ campaign ng US vs Tsina

MANILA, Philippines – DUDA ang dating opisyal na nanguna sa COVID-19 vaccination campaign ng gobyerno sa investigative report ukol sa di umano’y propaganda na suportado ng Estados Unidos para siraan ang Tsina at Sinovac vaccine nito.

“I believe it is not true,” ayon kay presidential peace adviser Carlito Galvez Jr. na itinalaga noon bilang vaccine czar.

Ayon kasi sa Reuters report na inilathala nito lamang weekend, naglunsad di umano ang U.S. military ng isang clandestine program sa gitna ng COVID crisis para i-diskredito ang pagbabakuna ng Sinovac ng Tsina, sinasabing bilang ganti di umano ito sa pagsisikap ng Beijing na sisihin ang Washington para sa pandemiya. Isa sa puntirya ay ang “Filipino public.”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang Sinovac ng Tsina ang isa sa COVID vaccines na naging available sa Pilipinas sa kasagsagan ng pandemiya, kasama ang Pfizer, AstraZeneca, Moderna, bukod sa iba pa.

Subalit sinabi ni Galvez, ang lahat ng kaalyado ng Pilipinas noong panahon na iyon ay nagpahayag ng pagsuporta sa anumang vaccine na available.

“I am not aware of anything like this since all countries through their embassies are trying to help us to acquire available vaccine in the market. As far as I can remember, most of our friends and allies even said that ‘the best vaccine is the vaccine in our shoulders.’ Meaning whatever vaccine we had and available, we have to take it immediately,” ayon kay Galvez.

Samantala, sinabi naman ng Department of Health (DoH) na “the findings by Reuters deserve to be investigated and heard by the appropriate authorities of the involved countries.” Kris Jose