Home SPORTS FEU umakyat sa ikalawang pwesto

FEU umakyat sa ikalawang pwesto

UMANGAT sa ikalawang puwesto ang Far Eastern University (FEU) matapos gibain ang University of the East (UE) sa straight sets, 25-20, 25-20, 25-23, sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament nitong Miyerkules sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.

Ito ang pang-anim na panalo ng Lady Tamaraws sa siyam na laro, habang nananatiling walang panalo ang Red Warriors sa naturang torneo.

Pinangunahan ni Jaz Ellarina ang opensa ng FEU na may 17 puntos mula sa 12 attacks, tatlong aces, at dalawang blocks. Nagtala rin si Chen Tagaod ng 15 puntos (14 attacks, isang block), habang si Gerz Petallo ay nag-ambag din ng 15 puntos (13 attacks, isang block, isang ace).

Bukod sa opensa, naging matatag din si Petallo sa depensa matapos makapagtala ng 15 excellent digs at walong excellent receptions, na tumulong sa tagumpay ng Lady Tamaraws. GP