Home NATIONWIDE Flexible Constitution kailangan para makasabay sa global trends – Angara

Flexible Constitution kailangan para makasabay sa global trends – Angara

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na dapat ay may flexibility ang economic provisions sa 1987 Constitution upang bigyang-pagkakataon ang bansa na makapag-adjust sa worldwide economic trends.

Ang pahayag ni Angara ay kaugnay ng Resolution for Both Houses (RBH) No. 6, na naglalayong amyendahan ang ilang economic provisions sa 1987 Constitution, na kasalukuyang pinag-uusapan sa Senado.

“Hindi tayo pwedeng sumabay sa kilos o hugis ng pandaigdigang ekonomiya. Yung ibang bansa nagpapasa lang sila ng batas, nagpapasa sila ng polisiya, tayo mag-aamyenda pa tayo ng Saligang Batas to adjust to economic trends worldwide,” ani Angara, sabay-sabing ang pag-amyenda sa ilang economic provisions ay “sole purpose” ng proposed Charter change.

Ani Angara, ang ilang proponents ng RBH No. 6 ay nagresulta sa mabagal na performance ng foreign direct investment ng bansa sa restrictive at non-investor-friendly economic policies sa Konstitusyon, habang ang opponents ay pumupunto sa korapsyon, red tape at mataas na halaga ng pagsasagawa ng negosyo sa Pilipinas.

Siniguro ng senador sa publiko na masusing pag-uusapan sa Senado ang RBH 6, kung saan itinakda ang public hearing sa Lunes, Pebrero 12. RNT/JGC