Home ENTERTAINMENT Gary, aminadong naging stalker ni Dina!

Gary, aminadong naging stalker ni Dina!

Manila, Philippines – Guwapo pero hindi umubra ang killer looks ni Gary Estrada sa noo’y bet na bet niyang si Dina Bonnevie.

Sa kanilang guesting ng asawang si Bernadette Alysson sa Sarap ‘Di Ba? ay nahiya pang aminin ni Gary that he was once Dina’s stalker.

Kung may mga nakakaalala pa, minsan na silang nagkasama sa pelikulang Tag-ulan, Tag-araw ng Viva Films.

Introducing noon si Jenny Roa na minsang nalihis ng landas dahil sa pagkagumon sa droga.

Hindi dapat si Gary ang gaganap bilang leading man doon ni Dina.

Kaya ganoon na lang daw ang tuwa niya nang pumayag si Dina na ipartner sa kanya.

Little did Dina know na head over heels pala sa kanya ang aktor.

Ani Gary, dumating daw siya sa point that he was stalking Dina.

But knowing Dina, mataas ang standards nito when it comes to men.

Sa halip na maantig ang puso dahil sa pagsunod sa kanya ni Gary hanggang bahay niya ay kabaligtaran ang nangyari.

Umani lang naman ng talak si Gary mula sa kilalang mataray na aktres who’s famous for her “irap school of acting.”

Yes, ‘yun ang bansag sa kanya ng yumaong si direk Celso ad Castillo.

Ending: tablado si Gary sa kabila ng kaguwapuhan nito.

It turned out na ang ikinabagsak ng aktor ay dahil bagets siya noon. Ronnie Carrasco III