Home OPINION GATCHALIAN VS. ‘HERCULES’ SA VALENZUELA

GATCHALIAN VS. ‘HERCULES’ SA VALENZUELA

HINDI matatawaran ang kakaibang pamamahala ng mga Gatchalian dahil hindi maitatatwa na umunlad ang Valenzuela City dahil sa maayos nilang  paglilingkod.

Tunay na walang pag-aalinlangan ang ibinibigay na serbisyo sa Valenzuelaños ng mga Gatchalian kaya ‘di nakapagtatakang mahigit dalawang dekada na sila sa puwesto.

Unang naging mayor ang ngayo’y mambabatas na si Senator Win Gatchalian, sinundan ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ma parehong natapos ang three-term  bilang mga punong lungsod.

Si Mayor Wes Gatchalian ay “well on his way” sa pagsunod sa  yapak  nina Sen. Win at Sec. Rex na maituturing na ‘exceptional  leaders’ sa kanilang city executive days. At hanggang ngayon ay patuloy ang ginagawang pagseserbisyo ng magkapatid na Win at Rex Gatchalian hindi na nga lang sa mga taga-Valenzuela subalit sa lahat na ng Pilipino na nasasakupan ng kanilang trabaho.

Hindi lingid sa kaalaman ng madla na dahil sa maayos na pamamahala ng magkapatid na Win at Rex  ay  naging daan ito para makamit ng lungsod  ang kasalukuyang estado.

Kaya naman sa lahat ng political exercises ay undefeated – walang tumalo sa magkapatid sa pagka-alkalde dahil sinuportahan sila ng mga Valenzuelano.

Pero kung sa lumipas na elections ay  madaling na-hurdle ng Gatchalians ang pagka-punong lungsod, hindi ngayon dahil  ang  makakalaban nila  ay si ‘Hercules’.

Si Mayor Wes, si Sen. Win man o kahit si Sec. Rex, ay tiyak na bibigyan ng magandang laban ni ‘Hercules’ kung tatakbo ito sa pagka-mayor sa darating na May 2025 election.

Binansagan siyang si ‘Hercules’ dahil grabe ang lakas, bagyo ang paglilingkod sa bayan kaya matindi  napakalakas din sa tao – siyempre lalong-lalo na sa  mga Valenzuelano.

Si ‘Hercules’, tulad din ng Gatchalians, ay undefeated sa kanyang political career kaya may karapatan itong maging “Ama ng Valenzuelanos” sa mga darating na araw o sa kanta man ay sa “pagdating ng panahon”.

Kung sino si  alyas “Hercules” ay mag-antay-antay lang dahil papangalanan siya ng Chokepoint sa tamang oras. Abangan!