Home METRO Gov’t office sa Quezon, nilamon ng apoy

Gov’t office sa Quezon, nilamon ng apoy

322
0

MANILA, Philippines – Nasunog ang ilang opisina ng lokal na pamahalaan sa Mulanay, Quezon nitong Sabado, Agosto 30.

Ayon kay Konsehal Gelo Telada Amisola, nagsimula ang sunog bandang 1:30 ng madaling araw at iniulat na nagmula ito sa opisina ng Commission on Elections (Comelec).

Nadamay din ang Public Information Office, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), water system, human resources, at culture and arts offices.

“Walang nasaktan,” ani Amisola, at idinagdag na nakontrol din agad ng Bureau of Fire Protection ang sunog. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here