Home NATIONWIDE Immigration Lookout Bulletin Order inilabas vs Ang, Barretto, iba pa

Immigration Lookout Bulletin Order inilabas vs Ang, Barretto, iba pa

225
0

MANILA, Philippines – Kinumirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes na naglabas na ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa mga tinukoy ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero mula 2021 hanggang 2022.

Itinuro ni Patidongan si negosyanteng Atong Ang bilang utak sa mga pagdukot, at sinabing mahigit 100 sabungero ang pinatay at itinapon sa Lawa ng Taal. Idinawit din niya ang aktres na si Gretchen Barretto.

“Meron na tayong ILBO laban sa lahat ng binanggit ni Patidongan,” ani Remulla, at idinagdag na may isa nang nakalabas ng bansa.

Mariin namang itinanggi nina Ang at Barretto ang mga paratang, at sinabing tinakot sila ni Patidongan na idadawit sa kaso kung hindi sila magbabayad ng malaking halaga.

Ayon naman kay Prosecutor General Richard Fadullon, tapos na ang pagsusuri sa reklamong isinampa ng mga pamilya laban sa 62 katao. Inaasahang maglalabas na ng subpoena sa susunod na linggo upang simulan ang preliminary investigation.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso sina Ang, Barretto, at dating NCRPO chief, retired Police General Jonnel Estomo. Sinusuri rin ng mga piskal kung kailangan humiling ng preventive hold departure order upang hindi makalabas ng bansa ang mga akusado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here