Home OPINION GRABENG BANGUNGOT SA HALALANG 2025

GRABENG BANGUNGOT SA HALALANG 2025

241
0

BAKIT kaya binabangungot ang administrasyong Marcos, lalo na mismo si Pangulong Bongbong Marcos, sa resulta ng halalang 2025?

Sabi ng iba, lumagapak kasi ang pangarap mismo ni Pang. Bongbong na manalo lahat ang kanyang mga kandidato sa pagkasenador at naging alanganin pa sa kalahati ang naipanalo nito.

Masakit pa, mga kalaban niya ang top six: No. 1 si Bong Go, No. 2 si Bam Aquino, No. 3 si Bato dela Rosa, No. 5 si Francis Pangilinan, at No. 6 si Rodante Marcoleta.

Tanging ang kinikilalang mediaman na si Erwin Tulfo na kanyang kandidato ang nakasingit na pang-4 sa top 6.

Ang lima na kanyang kandidato, sunod-sunod na sa last five na sina Panfilo Lacson, Vicente Sotto III, Pia Cayetano, Camille Villar at Lito Lapid.

Ang kapatid niyang si Imee Marcos na pang-12, tumalikod pa sa kanya at alanganin din si Villar dahil tahasang sumuporta ang pamilya nito sa kampo ng mga Duterte na kanyang kalaban.

Noong una, si Navotas Congressman Toby Tiangco ang nabangungot at sinisi nito ang kanyang mga kasamahan at taga-Palasyo sa pagtrato nila sa mga Duterte – ang impeachment kay Vice President Sara Duterte at pagpapatapon kay ex-President Digong sa International Criminal Court at may patutsada pa siyang napilitan ang ilang kongresman na pumirma sa impeachment sa takot na mawalan sila ng pondo.

Nitong huli, si Pang. Bongbong na mismo ang tila binangungot at isinisi nito ang pagkatalo niya sa lahat ng kanyang basalyos kaya iniutos niya ang courtesy resignation ng mga ito.

Sa dinami-rami umano ng kanyang nagawa para sa bayan, hindi naramdaman ng taumbayan para sa eleksyon at kagagawan umano ito ng mga korap at tamad niyang mga tauhan.

Waaaaaat?

Hindi kaya higit na nakababangungot ang sinasabi mismo ng kanyang utol na si Imee na hindi na siya ang may hawak sa gobyerno kundi ang mga Araneta at Romualdez?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here